(Itinuro ng unang nadakip na Tsinoy) KOREAN CHEMIST NAHULIHAN NG P2.4-B SANGKAP NG DROGA

drug

PASIG CITY – KALABOSO ang isang Korean at isa pang Tsinoy nang mahulihan ng mga sangkap sa paggawa ng shabu sa Barangay San Antonio na sakop ng Ortigas.

Nakilala ang mga dinakip na sina Marvin Yu na half Pinoy, half Chinese; at Jeong Hee Kim na isa namang ­Korean.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Guillermo Eleazar, unang naaresto si Yu sa hiwalay na operasyon sa Caloocan City.

Makaraang madakip ay itinuro ni  Yu si Kim na isa umanong chemist.

Nagsagawa ng follow-up operation ang awtoridad sa parking area sa Garnet Street, kung saan nakatago ang ephedrine na gamit sa paggawa ng shabu.

Doon din naaresto ang Korean na  si Kim.

Nasamsam ang nasa 650 kilos ng kemikal na tinata­yang nagkakahalaga ng P2.4 bilyon. PILIPINO Mirror Reportorial Team