ITINURONG NANGHALAY NADAKIP

rape

NORZAGARAY – ISANG  lalaking matagal nang pinaghahanap ng mga pulis sa paulit-ulit na panggagahasa sa kanyang anak at itinuturing na No. 1 most wanted ng Norzagaray ang nadakip sa nasabing bayan kama­kalawa, Hulyo 17.

Sa ulat kay PCol. Chito Bersaluna, hepe ng Bulacan-PNP, nadakip sa kanyang pinagtataguan si Pepito Feliciano, 49, sa Barangay Partida, Norzagaray, Bulacan.

Matagal nang pinaghahanap si Feliciano na nakalista bilang No. 1 most wanted person sa Sibat Target ng Norzagaray dahil sa kasong rape na walang kaukulang piyansa.

Nabatid na paulit-ulit ginahasa ni Feliciano ang anak na si Lucy (hindi tunay na pangalan) noong 15-anyos pa lamang ito mula sa taong 2006. A.BORLONGAN/T.ARCENAL

Comments are closed.