(Itinutulak ng DA) AQUACULTURE PAMALIT SA HOG RAISING

Cheryl Natividad-Caballero

IPINAKIKILALA ng Department of Agriculture (DA) at ng Bureau of Fisheries at  Aquatic Resources (BFAR) ang urban aquaculture bilang alternative livelihood sa mga nag-aalaga ng baboy na naapektuhan ng African Swine Flu (ASF).

Ayon kay Undersecretary for Agri-Industrialization and for Fisheries Cheryl Natividad-Caballero, iniatas DA Secretary William Dar na sundin ang OneDA approach na gawing food production area ang mga bakanteng lupa o structure para maging vegetable garden, aquaponics, at fish tanks o backyard fishponds.

Tulong, aniya, ito sa mga nag-aalaga ng baboy na apektado ng ASF upang kahit paano ay makabawi sa kanilang pagkalugi.

Pilot project  nila ang Quezon City sa pakikipagtulungan ni Mayor Joy Belmonte, kung saan namahagi sila ng 10,000 piraso ng hito at 9,000 na piraso  ng tilapia fingerlings sa 60 lugar na apektado ng ASF sa Barangay Bagong Silangan at Payatas.

Ang mga fish tank ay lalagyan ng fingerlings at recirculating aquaculture system para malinis ang tubig at masuportahan ang oxygen sa tubig.

Kasama  rin sa assistance package ang 60 units ng filtration system at commercial feeds na puwedeng gamitin sa loob ng apat na buwan, kung saan inaasahang maaari nang anihin ang unang batch ng hito at tilapia. NENET L. VILLAFANIA

Comments are closed.