(Itinutulak sa Kamara) HEARTBREAK LEAVE PARA SA MGA BIGO

ISINUSULONG sa Kamara ang isang panukala na naglalayong bigyan ng heartbreak leave at emotional support ang mga empleyadong bigo sa pag-ibig.

Ayon kay Cagayan De Oro City Representative Lordan Suan, may akda ng Panukalang Heartbreak Recovery and Resilience Act o House Bill 9931, layon nito na matulungan ang mga empleyado na naghihirap dahil sa pinagdaraanang break-up.

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng isang araw na unpaid heartbreak leave kada taon ang mga empleyado na wala pang 25 taong gulang.

Ang mga empleyado na may edad 25 – 35 ay may dalawang araw na unpaid heartbreak leave kada taon.

Habang ang 36 pataas naman ay tatlong araw na unpaid heartbreak leave ang maaaring gamitin kada taon.

Paliwanag ni Suan, upang maging kuwalipikado ang empleyado ay kailangang sumulat sa kanyang employer kaugnay ng pinagdaraanang break-up.

DWIZ 882