(Itinutulak sa Kamara) P64K MONTHLY SALARY SA GOV’T NURSES

KAMARA-5

IGINIIT sa Kamara ang pag-apruba sa panukalang batas na nagkakaloob ng P64,000 monthly salary sa government
nurses.

Ginawa ni House Minority Leader Marcelino Libanan ang pahayag kasabay ng pagdiriwang ng International Nurses Day, at sinabing ang House Bill 5276, na naglalayong taasan ang sahod ng government nurses ay dapat na madaliang aprubahan.

Sinabi ng kongresista na ang P64,000 monthly basic salary ay nangangahulu- gan na ang pinakamababang base pay ng mga nurse na nagtatrabaho sa public health institutions ay itataas ng anim na bingaw sa Salary Grade 21 tulad ng nakasaad sa Salary Standardization Law of 2019

“We have to provide our nurses working in public health institutions with competitive salaries and benefits so as to entice them to continue their service to the Filipino people,” ani Libanan.

Tinukoy niya ang kabayanihan ng Filipino nurses at iba pang health professionals na nagsilbing frontliners sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Ang House Bill 5276 ay inakda ni Quezon City Representative Marvin Rillo, na sa kanyang explanatory ay binigyang-diin na maraming nurse ang nagma-migrate sa ibang mga bansa na nag-aalok ng mas maraming benepisyo at pribilehiyo na banta sa Philippine healthcare industry.

“Global health has evolved not only due to the emergence of new diseases but also because of the interconnected and interdependent world. To provide solution on the deplete on our skilled nurses, we must provide a competitive
salary and benefit for them to enjoy and consider,” sabi ni Rillo.