(Itinutulak sa Senado) FOOD SUBSIDY SA DAILY WAGE EARNERS

Senate-President-Vicente-Tito-Sotto-III

ISINUSULONG ni  Senate President Tito Sotto ang pagkakaloob ng food subsidy sa mga daily wage earner na nawalan ng kita dahil sa ipinatutupad  na enhanced community quarantine sa gitna ng banta ng coronavirus 2019 (COVID-19).

“I suggest for Congress to pass a food subsidy budget in order to provide for the daily wage earners who lost their income,”  pahayag ni Sotto.

Ipinanukala ni  Sotto ang pagbibigay ng food subsidy na P300 hanggang P500 kada araw sa bawat pamilya.

“Compute the NCR poor to be the beneficiaries. Compute the Calabarzon, the Central Luzon (Region 3) poor who will be affected. The rates may vary in the provinces that have access to fish, vegetables and other basic food supplies. In the NCR, the poor do not have access to these,” ani  Sotto.

Sa kuwenta ng senador,  nangangailangan ng P27 bilyon para sa panukalang P300 food susidy sa bawat mahirap na pamilya sa loob ng 30 araw.

“The experts can extrapolate depending on the number of poor,” dagdag pa niya.

Aniya, maaari rin itong ipatupad sa ibang rehiyon kung saan may posibilidad ng kakapusan ng food supplies dahil sa ‘no work, no pay’  policy.

Sa special session na isasagawa ng Senado ay ang food subsidy, aniya, ang isa sa posibleng talakayin ng mga mambabatas.