ISINUSULONG ni Senador Lito Lapid ang pagkakaloob ng ‘lifetime passport’ sa mga senior citizen.
Pinaaamyendahan ng Senate Bill No. 1197 ang Philippine Passport Act of 1996.
Ayon kay Lapid, sa tulong nito ay hindi na mahihirapan ang mga senior citizen sa pagre-renew ng kanilang travel documents.
Gayundin, malaking ginhawa ito para sa mga matatandang nakatira malayo sa DFA Consular Office.
Layon din ng panukala na alisin ang expiration dates sa passport ng mga Pinoy na may edad 60 pataas.
Sa kasalukuyan, ang passport ay valid lamang ng hanggang 10 taon. VICKY CERVALES
Comments are closed.