DAPAT nang sumuko ang mga rebelde.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines Public Affair Office chief Col. Noel Detoyato, ito ang tamang panahon para sa mga masasamang loob, demoralisadong miyembro ng Communist Party of the Philippines at New People’s Army para magbalik loob sa pamahalaan.
Sa panawagan ni Col. Detoyato, napakarami ng yumayakap sa sinusulong na localized peace talks ng pamahalaan at todo todo na rin ang implemen-tasyon ng pamhalaan sa kanilang Enhanced Comprehensive Local Integration Program o (E-CLIP) kaya ito na ang tamang oras para magsalong ng sandata at magbagong buhay.
Inihayag ng tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na parami na ng parami ang mga kasapi ng CPP-NPA ang nagpapahiwatig ng kanilang kagustuhang sumuko subalit nangangamba lamang dahil sa natatangap na banta mula sa mga dating kasamahan.
“Our advice is for them to get out and surrender while they can and avail of the government’s E-CLIP. They will be accorded the relocation and se-curity for their safety. It’s the best time to change the course of their lives. Abandon the armed struggle and take charge of your future,” ani Detoyato.
Alam naman umano ng Sandatahang Lakas ng Filipinas na malupit na nagparusa ang mga NPA sa kanilang mga dating kasamahan na tumiwalag at nagbalik-loob sa pamahlaan kaya may mga halfway homes na itinayo ang pamahalaan para pansamantalang pamuhayan ng mga rebel returnee.
“They are always being guarded and watched. They are also threatened. This was the same scenario when they conducted ‘Oplan Ahos’ which re-sulted to countless deaths which was done to get rid of those who were suspected to be spies,” dagdga pa ng opisyal.
Ang “Oplan Ahos” ay naganap noong mga taong 1985 hanggang 1986 kasagsagan ng ginagawang pagpupurga ng mga makakaliwang hanay sa mga kasamang pinaghihinlaang espiya ng pamahalaan.
Ang E-CLIP ay flagship program ng Duterte administration na naglalayong makapagpatupad ng social healing at national unity sa pamamagitan ng whole-of-nation approach tungo sa mas mataas na antas nang pagkakaroon ng pangmatagalang kapayapaan.
Sa nasabing programa ay nagkakaloob ang pamahalaan sa mga dating kasapi ng CPP-NPA-National Democratic Front at Militia ng Bayan ng mga ayuda, tulong pinansiyal, alalay na pangkabuhayan para sa kanilang pagbabalik sa normal na lipunan tungo sa tuluyang pagbabagong buhay. VERLIN RUIZ
Comments are closed.