KUNG ikaw ay may social media account, maaaring napapansin mo ring dumarami ang mga post ng iyong mga contact na may sakit o nagluluksa, mga anunsiyo tungkol sa yumao, o panawagan ng dasal at tulong.
Lubhang napakabigat nito kaya’t hindi rin nakapagtatakang umiiwas na ang iba na magbukas ng kanilang social media account.
Hindi na natin kailangan ng istatistika at mga resulta ng pag-aaral o survey para sabihin sa atin ang alam na natin: mas marami ngayon ang dumaranas ng stress, depresyon, anxiety nang dahil sa pandemya. Nariyan ang resulta ng mga pananaliksik, ngunit alam na rin naman nating malaking bahagi ng populasyon ang apektado talaga ng krisis pangkalusugan na ito.
Yaong may history ng mental health issue o ang mga mayroong comorbidity ay mas nalalapit sa problemang nabanggit, kasama na ng mga taong nawalan ng hanapbuhay, namatayan, o yaong mga tagapag-alaga ng mahal sa buhay na may sakit o mga breadwinner ng pamilya. Ang ibang mga nag-seself-isolate upang makaiwas sa virus ay nahihirapan din sa sitwasyon ng kanilang mental health.
Sa gitna ng reyalidad na ito, tinatawagan tayong lahat na magpakita ng kabutihang-loob at higit pang pang-unawa sa mga taong nakapaligid sa atin.
Kung kaya nating magbigay ng emotional support, mga salitang nakakagaan ng loob, at positibong pagtanaw sa mga bagay-bagay—napakalaki ng maitutulong nito sa ating kapwa.
Pahabain pa natin ang ating pasensya para sa mga taong hindi nakatutugon sa ating inaasahan. Ang ating ngiti, kahit virtual lamang, ay malayo ang mararating.
(Itutuloy…)
This is my first time pay a quick visit at here and i am truly happy
to read everthing at single place.
86370 571389Yay google is my world beater aided me to find this outstanding internet site! . 867762
63512 398420Thanks for helping out, superb information . 312472
439588 748333Pretty! This was a genuinely great post. Thank you for your provided data. cool desktop 913691