(Pagpapatuloy…)
Tinatawagan din tayong makipag-usap nang malumanay at may malasakit sa kapwa dahil hindi nga naman natin alam ang pinagdadaanan ng iba. Mahirap man kung minsan dahil may sarili rin naman tayong problema, subukan pa rin nating makinig sa ating kapwa nang walang panghuhusga.
Para naman alagaan din ang ating sarili, mahalaga ang self-care, ayon na rin sa mga psychological experts. Ibig sabihin, bigyan natin ng panahon ang mga gawain na nagbibigay sa atin ng kasiyahan.
Kahit busy tayo sa trabaho, pilitin nating maisingit ang mga bagay na ito. Halimbawa, ang pagsusulat sa ating journal; panonood ng pelikulang nakakagaan ng loob; ehersisyong nakaka-relax kagaya ng yoga, tai chi o paglalakad; pakikipag-usap sa kaibigan o kamag-anak na malapit sa atin; o ang tinatawag na mindful meditation.
Ang pag-iingat tungkol sa content, news, at mga balitang ating binabasa ay isang uri ng self-care din.
Iwasan natin ang mga nakaka-stress na babasahin at palabas, kasama na ang internet content.
Nakagagaan ng pakiramdam ang sandaling pananahimik upang huminga at magmuni-muni. Bawasan natin ang ingay sa ating buhay.
May mga organisasyong nagbibigay ng mga Mindfulness at Meditation courses para sa mga kompanya o organisasyon. Isang halimbawa ay ang Mindfulness Asia (mindfulnessasia.com), isang kompanyang naka-base rito sa Pilipinas.
Ang mga online session para sa mga empleyado ay maaaring isama sa health benefits na kanilang natatanggap lalo na sa panahong ito ng pandemya.
Yaong mga patuloy na nahihirapan sa sitwasyon ng kanilang mental health ay pinapayuhang lumapit sa mga propesyunal para makatanggap ng tamang intervention kagaya ng psychological therapy o counseling.
Comments are closed.