ANG deadline ng paghahain ng income tax return at pagbabayad ng buwis ngayong 2024 ay depende sa uri ng taxpayer at sa ITR taxable year na isusumite.
Sa pangkalahatan, ang deadline ay sa ika-15 ng Abril ng bawat taon para sa mga indibidwal na kumikita mula sa negosyo, propesyon o halo-halong pinagkakakitaan sa negosyo. Para sa mga korporasyon, ang deadline ay sa ika-15 ng ikaapat na buwan sa pagtatapos ng taxable year habang ang iba pang mga uri ng ITR ay itinakda sa tax deadline ng Kawanihan.
Ang BIR ay nagsasagawa ng iba’t ibang preparasyon para sa itinakdang deadline ng bayaran ng buwis tulad ng pagpapalawak ng kanilang mga online system, pagbibigay ng mga pagsasanay at seminars sa mga taxpayer, pagpapalabas ng mga revenue issuances na naglalaman ng mga alituntunin at gabay sa pag-file at pagbabayad ng buwis, gayundin sa pagpapatupad ng mga programa at kampanya na nagtataguyod ng tamang paraan ng pagbubuwis at paglaban sa korupsiyon.
Ang BIR ay maaaring magbigay ng palugit sa mga hindi makakahabol sa itinakdang deadline sa pag-file ng returns sa ilalim ng ilang mga sitwasyon tulad ng pagkakaroon ng mga kalamidad, pandemya o iba pang mga emergency na nakaaapekto sa operasyon ng rentas o ng taxpayers.
Ang palugit ay maaaring ipatupad sa bawat lugar o uri ng taxpayer kung kaya dapat na sundin ang mga anunsiyo at advisory ng BIR hinggil dito. Halimbawa, noong taong Enero 2022, ang BIR ay nagpalabas ng Revenue Regulations No. 1, 2023 na nagpapalawig sa ilang mga deadline sa pag-file at pagbabayad ng buwis para sa mga taxpayer na nasa mga lugar na nasa ilalim ng Covid-19 alert level 3 o mas mataas.
Ang mga alituntunin na ipinatutupad sa paghahain ng tax return ay nakasaad sa National Internal Revenue Code of the Philippines, 1997, as ammended, at sa iba pang mga revenue issuances na inilalabas ng BIR. Ang ilan sa mga mahahalagang alituntunin ay ang mga sumusunod: (a) ang tax return ay daoat na kumpleto, tama at naaayon sa napirmahan ng taxpayer o ng kanyang kinatawan, (b) ang tax return ay dapat na isumite sa tamang paraan, lugar at panahon alinsunod sa mga itinakdang mekanismo at deadline ng Rentas. Ang buwis na dapat bayaran ay dapat na ibayad sa buong halaga at walang pagkaltas o pagbabawas, maliban kung mayroong mga nakasaad na exemptions, deduction o tax credits, (d) ang mga kinakailangang dokumento o attachments ay dapat na isama sa tax return o isumite sa BIR sa loob ng itinakdang panahon, at (e) ang taxpayers ay dapat na mag-imbak ng mga kopya ng tax return at ng mga katibayan ng pagbabayad ng buwis para sa hindi bababa sa 10 taon.
Ang inaasahang makokolekta ng BIR sa taong ito ay P3.05 trilyon habang ang target na tax collection goal ay P4.3 trilyon, ayon sa Develooment Budget Coordunating Committee (DBCC) Medium Term Fiscal Program (MTFP).
Ang pagkakaiba sa pagitan ng inaasahan at target na koleksiyon ay tinatawag na tax effort gap, o nagsasalamin sa potensiyal na mapataas ang koleksiyon ng buwis sa pamamagitan ng mas epektibong tax administration at tax policy reforms.
Ang mga requirements na dapat dalhin sa pagbabayad ng tamang buwis sa huling araw na itinakda ay depende sa uri ng tax return na isusumite. Sa pangkalahatan, ang mga requirements ay ang mga sumusunod: – (a) ang orihinal at 2 kopya ng tax returns na may nakadikit na dokumentary stamps, (b) ang resibo o sertipiko ng pagbabayad ng buwis – kung nauna nang nabayaran ang buwis sa bangko o sa ibang paraan at mga sertipikong witthholding tax – kung mayroon, (d) ang mga dokumento na sumusuporta sa mga exemptions,, deductions o tax credits na inaangkin at (e) ang iba pang mga attachments na kinakailangan ng BIR tulad ng audited financial statements, summery lists of sales, purchases, alphalists of payees of employees at iba pa.
Ang mga tax exempt ay ang mga indvididual o organisasyon na hindi kinakailangang magbayad ng income tax sa Pilipinas dahil sa kanilang kalagayan o sa uri ng kitang kanilang tinatanggap at iba pang walang deklaradong kita.