Sa tinagal-tagal ng Eat Bulaga sa GMA-7 at sa ere, dalawang noontime show lang ang kinatakutan nitong nakabangga. Ang Wowowee ni Willie Revillame at ang It’s Showtime ni Vice Ganda. Vice Ganda:
Nang malipat ang Wowowee sa TV 5 dahil sa isang kontrobersyang kinasangkutan ni Pastillas Girl at dahil nagkasakit si Willie, napalitan ang dating slot nito ng It’s Showtime na si Vice nga ang main host. Naging matinding kakumpitensya ng Eat Bulaga ang nasabing show, na hindi naman pinatulan ni Vice ng totohanan kahit pa nagpapatutsada rin siya paminsan-minsan ng pabiro. Alam nyo namansi Vice.
Actually, during the time na nagkakairingan ang Wowowee at Eat Bulaga, pati si Joey de Leon, nakisali na rin sa pasaringan. Kahit nagkabati na sila, hindi yon makakailmutan ng mga viewers.
Pero bilog ang mundo. Nagkaproblema sina Tito, Vic & Joey sa GMA-7 kaya umalis sila at lumipat sa Singko. Pinilit ng Siyete na gumawa ng bagong noontime show, ngunit kamakailan lamang ay natsugi na ito at ang ipinalit nila ay ang It’s Showtime ng ani Vice Ganda na matagal nang umeere lamang sa YouTube matapos mabawian ng prangkisa ang ABS-CBN.
Tama ang sinabi ni Vice na na historic at iconic ito. Ngayong nagsanib-pwersa na ang dalawang giant networks—ABS-CBN at GMA-7 – big deal talaga ito sa showbiz industry. Sa madaling sabi, bukod sa GTV ay mapapanood na rin sa noontime slot ng GMA-7 ang It’s Showtime simula sa April 6, Sabado, na ikinatuwa naman ng iba pang co-hosts ni Vice na sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Karylle, Amy Perez, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang, Ion Perez, Jackie Gonzaga, MC Muah, Lassy Marquez, Cianne Dominguez, at Darren Espanto.
Magandang balita ito dahil simultaneously, mapapanood din ang It’s Showtime sa TFC at sa YouTube.
Naging mainit naman ang pagtanggap ng management ng GMA-7 sa grupo ng It’s Showtime. Kahit umano alam ng GMA na sadsad na sadsad sila, hiindi siya minaliit at tinapakan, kundi bagkus, inalalayan sila para muling makabangon. Umaasa si Vice at ang kanyang mga kasama na magtatagal ang kanilang pagsasama. NLVN