NAGPUPUGAY sa It’s Showtime, ang lahat, dahil kaya nilang ilampaso ang lahat kahit saang istasyon pa sila itapon.
Mantakin mong inilampaso ang ling-time running noontime show na “Eat Bulaga” ng ilang beses, at umariba pa sa ratings dahil sa patok na segment na EXpecially For You. Extended tuloy sila ng six months sa kanilang kontrata sa GMA 7. Anim na buwan lang kasi ang kontratang dati nilang pinirmahan nang mag-join sila sa nasaning network.
Heto pa kamo! Dahil sa success ng It’s Showtime sa GMA-7, may possibility pa raw na pati ang PBB (Pinoy Big Brother) ay sa Channel 7 na rin ipalalabas. Yun nga lang, hidi pa sila nagkakasundo sa time slot dahil hinihingi raw ng ABS-CBN ang third slot ng GMA Telebabad. Sa dami ng naka-line up na drama series ng Siyete, mapagbigyan kaya sila? Saka parang too much naman ito. Nanghihiram ka lang, mamimili ka pa!
Sabagay, malay mo, makalusot!
Question is, beneficial naman kaya sa GMA-7 ang mga content ng ABS-CBN? Magkaiba sila ng genre. Saka may sariling viewers ang GMA-7. Iba ang kaso ng noontime show na “It’s Showtime,” dahil team ni Vice Ganda ang nagdadala nito. Hindi naman lahat ng show ng ABS-CBN, maganda. I for one, may hindi ako pinapanood sa mga palabas nila, mahirap na lang magbanggit kung alin. Not because hindi magagaling ang actors – in fact, mahuhusay sila – pero yung concept kasi, parang hindi pinag-isipan
I didn’t say na mas magaganda ang concept ng GMA-7. Meron din silang pangit. What I am trying to say is, pagdating sa telenovela, dapat, “to each his own.” May kanya-kanya kasing good points at bad points.