IVANA ALAWI KABOGERA SA KANYANG YOUTUBE CHANNEL, KUMIKITA NA NG MILYONES

ivana alawi

BUSINESS venture na rin ng bagong pantasya ng mga bayan na si Ivana Alawi, ang entra eksenasariling YouTube Channel na may mahigit na 4 million subscribers. Yes, kabogera si Ivana sa kanyang vlog show na madalas ay kasama nito ang kanyang pamilya especially ang youngest sister na dating childstar sa Kapuso network na si Mona Louise Rey na isang diabetic na sobra niyang ka-vibes.

Tulad ng vlog ni Alex Gonzaga at ng iba pang famous vloggers ay kumikita na rin si Ivana ng milyones sa rami ng nagpapa-advertise sa kanyang show na malalaking company talaga. At deserve naman ito ng dalaga dahil nakaaaliw ang kanyang topic every episode na ginastusan niya ang equipment para sa kanyang channel.

Ayon sa survey, majority ng viewers ni Ivana ay mga lalaki na nababaliw sa kanyang kagandahan at kaseksihan. Hit din sa spotify at iba pang digital music platforms ang kanta ng newcomer sexy actress sa Star Music na “Sana All.”

Bukod sa magandang career ay sa kanya pa ipinamana ng billionaire Morrocan father ang mga naiwang kayamanan kabilang na ang mansion na kinalakihan sa bansang Bahrain.

‘SILAB’ NI DIREK REYNO OPOSA PASOK SA CINEMALAYA 2020

NAPANOOD ng inyong columnist ang uncut version ng “Silab,” na latest indie movie ni Direk Reyno Oposa under his independent movie outfit Ros Film Productions with co-directors Bhuboy Pioquinto and J Rhae Maranan. About incest and poverty ang tema ng  movie na swabe ang pagkakagawa at may katuturan.

Mahuhusay ang kanyang mga artista tulad ng indie actor na si JV Cain na nais makilala sa indie world o kahit sa mainstream at puwede siyang sumunod sa yapak ni Kristoffer King. Dahil dekalidad at malinaw na nailahad ni Direk Reyno ang konsepto ng kanyang film ay pasok na ito ngayon sa Cinemalaya Film Festival 2020 para sa “Short Feature category.”

SHAMMAH NG ZAMBALES GRAND WINNER SA “HYPE KANG BATA KA,” NAG-UWI NG P100K

ITINANGHAL na winners sina Ray-Ray ng Cabuyao Laguna, Princess Canete of Antipolo City, Icon Martin ng Bulacan, Bulacan at ang grand winner mula Zambales na si Shammah Alegado, na naglaban noong Sabado sa grand finals ng “Hype Kang Bata Ka.”

Nagpakitang-gilas ang apat sa kani-kanilang mga talento pero ang higit na nag-standout sa kanyang Michael Jackson number gamit ang kanyang talento sa husay sa pagtugtog ng violin ay si Shammah. Naka-score ng 93% ang nasabing winner mula sa judges na sina Ice Seguerra, general manager ng Center For Pop na si John Jesus Manuel at Direk Manman Agsico na resident vocal coach ng Philippine Theater. Tumataginting na P100K ang naiuwing cash prize ni Shammah at P20k naman para sa first runner-up na si Princess. Pinuri rin ni Ice ang mga nasabing grand finalists, “Grabe and level up ng mga bata ngayon. May nagba-violin, mga bulilit ibang klaseng sumayaw, wonderful singer na napakalinis ng boses and of course acrobatic ba ‘yun, nakaka-wow talaga.”

Comments are closed.