IVANA ALAWI PATOLA SA BASHER

faceup

SA syobis, mada­ling magkaroon ng lib­reng publisidad, patulan mo lang ang isyung pinupukol sa iyo sa  “digital platform,” trending ka na. Maraming artista, singer, dancer, model o blogger ang naba-bash. Hindi kasi nawawala ang mga bashers na grabe kung magkumento. Hindi nakaligtas dito ang sexy star at  sikat na video blogger na si Ivana Alawi.

Marami siyang ba­shers na dinidedma lang niya, pero isang basher ang hindi niya napalampas.IVANA ALAWI Nagkumento ito sa social media na “pangit, puro retoke at bold star si Ivana. Sabi raw ng ba­sher, “Dati ko na siyang nakikita sa ABS-CBN na pango, flat ang dibdib, sira ang ngipin. Pangit talaga siya at puro pagawa ang maraming bahagi ng kanyang katawan.”

Patola agad ang beauty ni Ivana. Hindi raw siya retokada, at pango pa rin ang kanyang ilong. Sa kanyang instagram feed at vlog, isinama niya ang kanyang kapatid na si Mona Louise Rey at inutusan ang nakababatang kapatid na pindutin ang kanyang ilong para patunayang hindi ito retokado. Na-challenge marahil si Ivana sa kanyang ba­sher kaya niya pinatulan.

Susme, maraming sikat na celebrities ang nagpupunta sa mga sikat na cosmetic surgeon, dermatologist, orthodontics para magpaganda as in magparetoke. So what? Kailangan iyon sa kanilang profession. Iilan lang ang uma­aming nagparetoke sila, na para bang ikinahihiya nilang hindi natural ang kanilang ganda. Ano ba ang masama kung mag-“salamat po doctor?” Sa isang banda, malaking tulong ‘yan kay Ivana para mas lalong dumami ang kanyang subscribers.

May nagsitsit sa amin. Bakit di na lang tanungin ang aktor/politiko na dating karelasyon ni Ivana kung talagang produkto ng “salamat po doctor” ang kanyang dibdib at hubog ng katawan. O kaya naman, tanungin kung bakit nagbago na ang kanyang ugali (yes) as in yumabang siya ngayon. Marami ang nagtataka kung bakit inilihim pa ni Ivana ang pagkikipagrelasyon sa nasabing aktor/politiko, samantalang matagal na naman itong hiwalay sa kanyang asawa na dati ring nag-aartista. Inamin lang niya na may relasyon sila nuong hiwalay na silang dalawa.

Sabagay, sikat siyang influencer ngayon at mara­mi siyang followers. Well, meron lang akong unsolicited advise kay Ivana. Hayaan na lang niya ang mga negatibong isyu, It’s okey. Good or bad publicity is still publicity.

 

JOHN LLOYD CRUZ MAY GUSTONG PATUNAYAN SA ANAK

JOHN LLOYD CRUZNang maging panauhin sa TV show ni Willie Revillame si John Lloyd Cruz, napapayag siyang lumabas at mag-endorso ng isang produkto. Marami silang plano ni Willie na dapat ay mapapanood sa GMA-7. Pero bakit wala pa rin hanggang ngayon na nagma-materlize na TV project?

Aminado ang aktor na handa na siyang magbalik syobis matapos ang apat na taong pananahimik at pamumuhay ng normal sa piling ni Ellen Adarna at anak na si Elias Modesto.

Short lived ang relasyon ni Ellen na nauwi rin sa hiwalayan.

Three years old na si Elias at hiwalay na nga sila ni Ellen, kaya nais na niyang bumalik sa pag-aartista. Gusto raw kasi niyang makita ng kanyang anak na nagtatrabaho siya. Na ang kanyang ama ay artista, at seryoso sa kanyang propesyon.

Siyempre naman yakang-yaka niyang palakihin ang love child nila ni Ellen dahil napaghandaan naman niya ang kinabukasan nito.

Masyadong pinananabik tayo ni Loydie sa kanyang pagbabalik. Saang istasyon ba natin siya mapapanood at may pelikula ba siyang gagawin? Aminin! Sikat pa rin siya at malakas ang sex appeal, di ba mga baklush at matronix?

One thought on “IVANA ALAWI PATOLA SA BASHER”

  1. 115816 709741Aw, i thought this was an incredibly good post. In idea I would like to invest writing in this way moreover – taking time and actual effort to manufacture a really very good article but exactly what do I say I procrastinate alot and no indicates apparently go completed. 405233

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *