KINAIINGITAN ngayon ng mga kababaihan at beki si Ivana Alawi sa kanyang first-ever lead role in a teleserye. Eh, kasi naman, four equally handsome leading men ang makakasama niya sa project na ‘A Family Affair.’ Nasa Masbate ngayon si Ivana para sa first lock-in taping ng nasabing series kung saan apat na lalaki ang mahuhumaling at aasa sa kanyang pagmamahal – sina Gerald Anderson, Sam Milby, Jake Ejercito, and Jameson Blake.
Sila ang Estrella brothers na pare-parehong maakit at magmamahal kay Ivana. Ito ang first-ever lead role niya sa teleserye na magsisilbing acting comeback niya after three years.
NADINE LUSTRE, PUMIYOK SA BUNTIS ISSUE
Napuno na sa kanyang mga bashers kaya pumatola na rin si Nadine Lustre sa balitang buntis siya. Taon-taon na lamang daw ay buntis siya at kung ipinanganak niya ang lahat ng sinasabi ng mga bashers na ipinagbubuntis niya, marami na siyang anak.
Kasalanan umano ng chicken inasal ang paghihinala ng mga netizen na naglilihi siya, at meron pang edited video sa social media kung saan kesyo ini-reveal raw ng aktres ang kanyang pagdadalangtao sa kanyang YouTube channel. Halatang fake news ito dahil hindi naman nagba-vlog si Nadine.
Asahan daw na soon, binyag na ng bagets ang itsitsika ng mga marites. Hindi raw porket buntis ang magkaibigang Angelica Panganiban at Dimples Romana ay makikisabay na siya.
ANXIETY NI KYLIE PADILLA PINAGALING NG ASO
UMANI ng katakut-takot na comments sa social media ang latest uploaded photos ni Kylie Padilla na nakahiga sa sahig katabi ng isang aso. Sa caption inilagay ng actress kung paano siya inatake ng anxiety sa lock-in taping ng ginagawa niyang teleserye. Ang aso ni Kylie ang nakatulong para gumaling siya sa naranasang anxiety attack.
“Little Nami came up to me and gave me a cuddle. Humiga na ako sa tabi nya. I needed this moment. In love na talaga ako sa aso na to. Canine therapy is real,” ani Kylie.
Nag-comment din sina Carla Abellana at Chynna Ortaleza na okay nga ang pet therapy.
“Kaya pala maraming nag-alaga ng aso noong pandemic,” ani Kylie. “Kaya naman pala dumarami na ang sumusuporta sa Animal-assisted therapy.”
Sa nasabing therapy ay mga aso at iba pang uri ng hayop ang nakakatulong to recover or better cope with health problems.