MAY anim na pagamutan na sa bansa ang binigyan ng Food and Drug Administration (FDA) ng permit para sa compassionate use ng anti-parasitic drug na ivermectin laban sa COVID-19.
Mismong si FDA Director General Eric Domingo ang nagkumpirma ng balita ngunit tumanggi siyang pangalanan ang mga naturang pagamutan upang maiwasan aniyang malabag ang privacy ng kanilang mga pasyente.
Gayunman, sinabi ni Domingo na ang mga ito ay mga pribadong hospital, na hindi lamang sa Metro Manila matatagpuan.
Nilinaw naman niya na maaari rin namang magkusa ang mga pagamutan na tukuyin ang kanilang mga sarili dahil hindi naman sila pinipigilan ng FDA na gawin ito.
Ipinaliwanag pa ni Domingo na ang pagkakaroon ng compassionate special permit (CSP) ng mga naturang pagamutan ay nangangahulugang maaaring ireseta ng kanilang mga doktor ang ivermectin sa kanilang mga pasyente.
Gayunman, una nang nilinaw ng opisyal na ang CSP ay hindi marketing authorization, na nangangahulugan na ang ivermectin ay hindi pa rin maaaring ipagbili, commercially, sa bansa.
Tanging ang mga doktor lamang aniya na may CSP ang maaaring magreseta nito.
“I don’t have the list with me right now. They are private hospitals, not only in Metro Manila,” ani Domingo, sa isang forum sa Kapihan sa Manila Bay. “That means the doctors in the hospital can prescribe it.”
“We don’t want to violate the privacy of the patients. Of course, the hospitals can freely identify themselves. We’re not stopping them,” aniya pa.
Matatandaang hanggang ngayon ay hindi pa rin inirerekomenda ng World Health Organization (WHO) at ng European Medicines Agency ang ivermectin para lunasan ang COVID-19 cases sa labas ng controlled clinical trials.
Una na ring sinabi ng Merck na siyang manufacturer ng ivermectin, na wala pang scientific basis para sa potential therapeutic effect ng kanilang produkto base sa preclinical studies.
Nakatakda naman nang simulan ng Department of Science and Technology (DOST) ang pagsasagawa ng clinical trials sa ivermectin ngayong buwang ito. Ana Rosario Hernandez
275820 900885 An interesting discussion is worth comment. I think that you really should write a lot more on this topic, it may not be a taboo subject but typically men and women are not enough to speak on such topics. Towards the next. Cheers 259749
855017 627621Some times its a pain within the ass to read what blog owners wrote but this website is really user friendly ! . 847902
431450 286960Spot lets start on this write-up, I seriously believe this remarkable web site requirements significantly more consideration. Ill much more likely once again to read a fantastic deal a lot more, a lot of thanks that info. 561414
750223 102019you got a very superb website, Sword lily I located it via yahoo. 826837
436559 718952Some genuinely great information , Gladiola I detected this. 649993
962468 275007Hiya! awesome weblog! I happen to be a every day visitor to your internet site (somewhat more like addict ) of this site. Just wanted to say I appreciate your blogs and am seeking forward for a lot more to come! 496976
76630 654212Wonderful site you got here! Yoo man great reads, post some much more! Im gon come back so far better have updated 632580