GUEST sa USAPANG PAYAMAN sa DWIZ882am nitong September 15, 2024 sina Dr. Benjamin V. Ganapin Jr, founder ng BVG Foundation (3rd, kaliwa) kasama ang kaniyang maybahay at anak (magkasunod sa kaliwa) at Samuel Fuentes, puppeteer (gitna) habang naging tampok ang Bisyong Pagnenegosyo na isinagawa sa Hong Kong. Kuha ni ALFIE CORTEZ
NAGING tampok din sa USAPANG PAYAMAN sa DWIZ-882am noong September 15, 2024 ang naging journey ng BVG Foundation sa Hong Kong kamakailan.
HINDI lamang sa Pilipinas ipinatupad ng BVG Foundation ang kanilang pagtulong sa nais magnegosyo at magbahagi ng kaalaman, kundi nakarating na rin sila sa Hong Kong kung saan ang mga nakinabang ay mga overseas Filipino worker (OFW).
Ang BVG Foundation ay itinayo ni Dr. Benjamin V. Ganapin Jr. Ph.D, isang Certified Public Accountant (CPA) upang makalikha ng mga negosyante mula sa hanay ng mga pangkaraniwang tao, gayundin sa mga ina na walang hanapbuhay, mga nawalan ng kayod dahil sa nakalipas na COVID-19 pandemic at sa mga OFW upang kung nagretiro ay mayroong pagkakakitaan.
Ilang batches na rin ng mga natulungan ng BVG sa ilalim ng Bisyong Pagnenegosyo, na makapagtayo ng maliit na negosyo at hindi lamang doon natapos ang kanilang pagtulong kundi ginabayan pa nila sa usapin naman ng pagdodukumento lalo na sa tax code.
Habang nagbibigay din ng insentibo si Doc Benjie sa kanyang mga natulungan na nagpatuloy sa kanilang maliit na negosyo.
“Tuloy-tuloy ang aming ginagawang pagtulong sa mga nais magkaroon ng negosyo at iyon ay dahil sa pananiniwalang may mapa ng pagyaman,” ani Doc. Benjie.
MAPA NG PAGYAMAN
Bilang isang consultant sa pagnenegosyo, itinuturo rin ni Doc Benjie sa pamamagitan ng BVG Foundation ang Mapa ng Pagyaman at konsepto na “your job is your business.”
Naniniwala si Ganapin na maaaring maging maganda ang income kahit isang worker at i-improve lamang ang kaalaman na bahagi ng Mapa ng Pagyaman.
BISYONG PAGNENEGOSYO SA HK
Kaya naman para mapalawak pa ang makinabang sa Bisyong Pagnenegosyo, nagtungo ang grupo ni Doc. Benjie sa Hong Kong at kasama ng kanyang team si Puppeteer at International Ventriloquist member Sam Fuentes bilang isa sa nag-mentor sa mga OFWs.
Naging matagumpa ang Bisyong Pagnenegosyo ng BVG Foundation sa Hong Kong sa pamamagitan naman ng pag-alalay sa kanila ni Ptr. Melvin Calucin habang labis ang pasasalamat ng mga OFW na nakatanggap ng libreng pagtuturo sa pagnenegosyo at maraming natutunan mula kay Mr. Fuentes.
Labis ang paghanga ng mga OFW kay Mr. Fuentes na kahit siya mismo ay dumanas ng mga pagsubok gaya ng biktima ng baha, sunog at iba pang hamon sa buhay ay matindi ang pagnanais nitong makatulong sa kapwa sa pamamagitan ng mentoring.
Sa nasabing UP DWIZ882AM episode, tampok din ang guest puppet na sina Tukmol at Lolo ni Mentor Sam Fuentes na isang puppetter at miyembro ng International Ventriloquist Socienty – Philippines IVS.Ph.
Umaasa naman si Mentor Sam na ngayong paparating ang Holiday season ay maraming imbitasyon sa kanila dahil panahon na rin ng kabi kabilang party at events.
EUNICE CELARIO
o0o
Ugaliing makinig at manood ng USAPANG PAYAMAN sa DWIZ 882am, 2-3PM tuwing Linggo, sundan din sa FB Pages DWIZ 882 at PILIPINO MIRROR at YT DWIZ 882. Ang mga host ay sina Cris Galit, Susan Cambri-Abdullahi at Eunice Calma-Celario.