Umasa lang daw si Iwa Moto na susuportahan ni Jodi Sta. Maria ang ex-biyenan na si Ping Lacson dahil may pinagsamahan naman sila, pero iginagalang niya ang desisyon nito.
Ex-husband ni Jodi ang anak ni Ping na si Pampi Lacson na partner ngayon ni Iwa at anak naman nila si Thirdy. In fairness, walang tahasang pag-endorso si Jodi kay Leni Robredo liban sa tweet.
Hindi naman nakalusot si Iwa sa ilang netizens kaya hindi na ito sumagot. Kasi nga naman, si Jodi ang kasal kay Pampi, kaya kahit paano, dahil ito ang lolo ng anak niya, sana, may malasakit siya sa pamilya Lacson.
MS UNIVERSE CANADA 2016 HINIYA NI GLORIA DIAZ
Pinintasan daw si Miss Universe Canada 2016 Siera Bearchell ng isang former Filipina Miss Universe dahil sa kanyang timbang sa Miss Universe 2016 pageant. Tinawag daw siya nitong “plus size” at “overweight,” pero nakapasok naman siya sa Top 9.
Sa isang interview raw kay Gloria Diaz na Miss Canada ang paborito niya pero kailangan nitong magpapayat ng konti.
Nang magkita raw sila sa gala night, binati ni Siera si Gloria at mabait daw naman ito sa kanya. Inisip na lamang daw niyang marahil ay compliment ang sinabi ng ex-Miss U at hindi siya dapat magdamdam. In the first place, nag-comment ang isang netizen na talagang straightforward si Diaz and she didn’t mean any harm.
JENNYLYN MERCADO MAGPAPA- CHECK UP LANG NANGANAK NA
Check-up lang sana ang dahilan kaya pumunta sa ospital sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo pero nagmadali nang lumabas ang kanilang baby girl, kaya hayan, nanay na uli si Jen noong May 1.
Pero hand ana rin naman sila dahil nabili na nila ang mga dapat bilhin, at ayos na rin ang room nito na kulay pink, dahil nga baby girl.
Ready na ang gamit ngunit hindi raw sila ready emotionally dahil next week pa sana ito ipanganganak sa St. Luke’s Medical Center.
Sabi ni Jennylyn, “Check-up lang dapat kami ngayon, e, bigla na lang kaming manganganak na raw… Hindi kami ready.”
Kahit daw si Dennis, sobrang ninerbyos sa biglaang panganganak ni Jen, pero okay raw naman ang lahat.
ANG DIYOSANG SI PIA WURTZBACK
Iwinagayway ni Pia Wurtzbach ang bandila ng kagandahan ng Filipina sa Miss Universe Philippines coronation night, sa pagsosoot ng apat na sets of gowns na inspired nina Filipino Miss Universe queens Gloria Diaz, Margie Moran, Catriona Gray at siya mismo.
Walang kwestyong diyosa sa kagandahan ang Miss Universe 2015 titleholder, lalo na sa white modern Filipiniana gown na may mga beads at feather-like details na gawa ni Mark Bumgarner.
ENCHONG DEE SPECIAL MENTION LAGI KAY CLAUDINE BAUTISTA-LIM
Hindi pa rin nakaka-move o si Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER) PartyList Representative Claudine Bautista-Lim sa kontrobersya ng kanyang kasal, dahil laging special mention si Enchong Dee sa kanyang mga campaign rally.
Cyber libel na nagkakahalaga ng nakakagulantang na isang bilyong piso (P500 million para sa moral damages at P500 million para sa exemplary damages) ang kasong isinampa ni Bautista laban kay Enchong dahil sa tweet ng aktor tungkol sa kasal nila ng asawa niya na idinaos sa Balesin Island Resort, Polillo, Quezon noong August 11, 2021.
Tweet ni Enchong noong August 14, 2021: “The money for commuters and drivers went to her wedding. Let’s not prolong this conversation and don’t say otherwise.”
Humingi naman ng paumanhin si Enchong kay Bautista, sa asawa nito, sa kanyang pamilya, at sa DUMPER partylist pero itinuloy pa rin ng complainant ang kaso.
SUNSHINE CRUZ NAGGAGANTSILYO
Ginawan ni Sunshine Cruz ang sarili at ang tatlong anak na babaeng sina Angelina, Sam, at Chesca ng ng summer outfit para sa bakasyon nila sa La Union.
Natutuwa raw siyang siya mismo ang gumagawa ng damit ng kanyang mga anak dahil feel na feel iyang nanay siya.
CATRIONA GRAY NADADALIAN SA MGA TANONG SA MISS U Q&A
Sana raw, medyo mas mahirap ang mga tanong sa katatapos na Miss Universe Philippines, ayon kay Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Kasi raw, parang practice na rind aw nila ito sa sasalihang pageant. Si Celeste Cortesi ng Pasay ang tinanghal na Miss Universe Philippines 2022 at nagmana sa korona ni Beatrice Luigi Gomez. Sa question-and-answer portion, tinanong si Cortesi ng “How would you spend time if you have the ability to stop it,” na sinagot naman niya ng “spending it with ng family in Italy, particularly my mother.” Naging Miss Philippines Earth din si Cortesi noong 2018.