MAYNILA – UPANG maiwasan ang mga insidente ng pamboboso sa mga tenant, inaasahang magkakasa na ng mga inspeksiyon ang lokal na pamahalaang lungsod na ito sa iba’t ibang dormitoryo.
Kasunod ito ng utos ni Manila Mayor Isko Moreno nang lagdaan ang Executive Order No. 25 na nag-aatas na bumuo ng komite na mag-iinpeksiyon sa lahat ng dormitoryo upang malaman kung sumusunod sa itinatakdang patakaran at regulasyon ng kanilang operasyon at maintenance.
Ginawa ang nasabing kautusan makaraan ang insidente kung saan nabuking ang ginagawang pamboboso ng isang 69-anyos na lolo na naglagay ng spy camera sa loob ng palikuran kung saan naliligo ang kanyang mga babaeng tenant sa dormitoryo sa Sampaloc, Maynila.
Itinalaga naman ni Moreno si City Administator Felixberto Espiritu bilang Chairman ng committee at City Legal Office Atty. Emeterio “Jun” Moreno bilang kanyang vice chairman.
“The committee shall sure that dormitories, boarding houses, rooms for rent and such allied business in the City of Manila are complying with regulatory requirements governing business operations and safety building standards, including that of the Building Code, the Fire Code and Ordinance No. 4765, ” bahagi ng nasabing local executive order.
Sa ilalim ng kautusan, inatasan ang committee na bumuo ng composite teams kabilang ang inspectors mula sa Deparment of Engineering and Public Works (DEPW), Manila Health Department (MHD), Bureau of Fire Protection (BFP) at iba pang departamento, opisina at iba pang bureau o ng kawanihan sa lungsod. PAUL ROLDAN
Comments are closed.