IWAS-HILO SA BIYAHE

IWAS-HILO

SA araw-araw na pagbiyahe natin—malapitan man iyan o malayuan, ay hindi naiiwasan ang makaramdam tayo ng pagkahilo. Ang pagkahilo sa biyahe ay karaniwang kondisyon at maaaring mara-nasan ng kahit na sino. Wala itong pinipiling tao o maging lugar. Kumbaga, sa dyip ka man nakasakay, eroplano, barko, MRT/LRT o bus ay maaari mo itong maranasan.

May mga taong sa tuwing bibiyahe ay nakadarama ng hilo samantalang ang ilan naman, minsan-minsan lang itong maramdaman. Madalas man o minsan ka lang makaramdam ng pagkahilo sa biyahe, kailangan pa rin itong pagtuunan ng pansin. Hindi ito puwedeng balewalain sapagkat maaari kang mapahamak habang bumibiyahe.

At para maiwasan ang pagkahilo sa biyahe, narito ang ilan sa mga simpleng paraan na maaaring gawin o subukan:

HANGGA’T MAAARI, PUMUWESTO SA UNAHAN

Natatandaan ko noong bata pa ako, madalas akong pinauupo sa unahan kapag bumibiyahe kami ng pamilya ko. Lagi akong katabi ng driver. At ang madalas ko ring naririnig sa mga magulang ko ay para umano hindi ako mahilo sa biyahe.

Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang ganoong bagay. Malay ko naman, bata pa ako. Pero ngayong madalas akong bumibiyahe kahit na malapitan lang, may mga pagkakataong nakadarama ako ng pagkahilo. May mga sandaling hindi nagiging maganda ang pakiramdam ko’t tila pinagpapawisan ng malamig. At isa nga sa naging solusyon ko ay ang pag-upo sa harapan ng sasakyan hangga’t maaari. Kung hindi naman bakante ang harapan, mas pinipili kong umupo sa lugar na hindi masyadong na-raramdaman ang paggalaw, gaya ng sa likod ng driver o gitnang bahagi ng sasakyan. Nakatulong naman ito. Kaya kung mahihiluhin ka sa biyahe, iwasan mo ang pagpuwesto sa dulo o likuran dahil mas­yadong maalog sa bandang iyon ng sasakyan.

UMAYOS NG UPO AT TUMINGIN SA MALAYONG LUGAR

Kung bigla ka namang nahilo sa biyahe, makatutulong naman para maibsan ang nadarama ay sa pama-magitan ng pag-upo nang maayos at ang pagtingin sa malalayong lugar. Ipikit din nang bahagya ang mga mata. Mainam ang pagdungaw sa bintana o bubuksan ang bintana nang mahanginan. Makabubuti rin kung isasandal ang ulo sa sandalan ng upuan.

IWASAN ANG PAGBABASA KUNG NASA BIYAHE

IWAS-HILOMarami sa atin na upang mawala ang pagkabagot sa biyahe, mas pinipili ang magbasa. Nakalilibang at nakawawala nga naman ng nadaramang bagot ang pagbabasa. Marami ring magandang naidudulot ang pagbabasa sa isang tao. Ngunit kung mahihiluhin ka, iwasang gawin ito upang maiwasan din ang pagka-hilo habang bumibiyahe.

IWASAN ANG PAGGAMIT NG GADGET

Bukod sa pagbabasa ng libro sa biyahe, isa pa sa madalas na ginagawa ng marami ay ang paggamit ng gadget. Sa panahon ngayon, kahit na saan ka man mapalingon ay makikita mong karamihan sa mga kabataan at ma­ging mga matatanda ay nahihilig sa gadget. May ilan ngang kahit na naglalakad ay gumagamit ng cellphone. Ang iba naman, pagkaupong-pagkaupo pa lang sa shuttle, dyip o bus, nakatu-tok na kaagad ang mata sa cellphone.

Wala namang masama ang paggamit ng cellphone. Ngunit kailangan nating limitahan ang paggamit nito lalo na kung nasa biyahe o mga lugar na hindi ligtas. Bukod sa maaari itong maging dahilan ng pagkahilo, puwede ka ring mapahamak.

UMINOM NG GAMOT NA PANGONTRA SA PAGKAHILO

Kung malayuan ang biyahe, makabubuti rin kung iinom ng gamot na pangontra sa pagkahilo.

Sa ngayon ay maraming mga gamot na puwedeng inumin para maiwasan ang pagkahilo sa biyahe. kaya’t alamin kung ano-anong gamot ang mga ito. Sa tuwing aalis o bibiyahe rin ay magdala nito nang may magamit o mai­nom sakaling makaram­dam ng pagkahilo.

IWASAN ANG MAMANTIKA AT MAAANGHANG NA PAGKAIN

IWAS-HILOMarami sa atin ang mahihilig sa maaanghang at mamantikang pagkain. Nakapagpapagana nga naman ang maaanghang na pagkain. Hindi mo rin mapigil na maparami ang kain mo ng kanin.  Samantalang ang mga matataba namang putahe ay kayhirap iwasan lalo na’t napakasarap ng mga itong ipares sa mainit na kanin.

Gayunpaman, kung mahihiluhin ka sa biyahe, ilan ang mga maaanghang at matatabang pagkain sa kailangan mong iwasan sapagkat nagiging sanhi rin ito ng nasabing kondisyon. Mas mabilis kasing makadarama ng pagkahilo ang mga taong mahihilig sa maaanghang at matataba o mamantikang pagkain. Kaya kung mahabaan ang biyahe, iwasan ang pagkain ng ganitong mga klaseng putahe. Saka na lang kumain matapos ang biyahe kung hindi maiiwasan.

LUMAYO SA MGA TAONG MAHIHILUHIN

Iwasan o huwag ding tatabi sa mga taong mahihiluhin dahil maaari kang mahawa. Maging mapili sa mga makakatabi. Kung hindi naman maiwasan, kung may nakaramdam ng pagkahilo sa mga kasamahan sa sasakyan ay umiwas at huwag titingin nang hindi mahawa. Kung minsan din, kapag nakaamoy tayo ng pabango ay nakadarama tayo ng hilo. Mabuti rin kung lalayo sa mga taong malakas ang amoy ng pabango.

Hindi natin maiiwasan ang bumiyahe lalo na’t kailangan ito sa paghahanapbuhay. Hindi naman puwede ang manatili lang tayo sa bahay at hindi magtatrabaho. Kapag ginawa natin iyon, tiyak na magugutom ang ating pamilya.

At kung hindi man maiwasan ang pagbiyahe—malayuan man o malapitan—may mga paraan naman upang maiwasan ang makaramdam ng pagkahilo lalo na kung mahihiluhin ka. Maging maingat lang, mapagmatiyag sa paligid at maging sa sarili. Sundin din o isaa­lang-alang ang mga tips na nakasulat sa itaas. (photos mula sa google) CT SARIGUMBA

Comments are closed.