IWASAN ANG WRINKLES NGAYONG SUMMER

WRINKLES

(Ni CHE SARIGUMBA)

INGAT na ingat tayo sa ating mga sarili. Nais nga naman nating mapanatili ang angking gandang may-roon tayo. Kaya’t lahat ng paraan ay ginagawa natin upang mapangalagaan lamang ang ating kabuuan.

Ngunit sa pagdaan ng mga panahon at habang nadaragdagan ang ating edad, isa pinoproblema ng marami ang pagkakaroon ng wrinkles. Kung tutuusin ay wala nga namang may gustong magkaroon ng wrinkles. Wala nga namang may gustong magmukhang matanda.

Gayunpaman, madalas, dahil na rin sa kapabayaan natin, nagkakaroon tayo ng wrinkles nang hindi na-tin napapansin. At ilan sa mga dahilan kaya’t nagkakaroon ng wrinkles ang marami ay ang mga sumusu-nod:

HINDI PAGTATANGGAL NG MAKEUP

Maraming kababaihan ang hindi umaalis ng bahay nang walang makeup. Nasanay na rin kasi tayo. Pa-kiramdam ng marami sa atin, kapag walang makeup, hindi siya kompleto.

Kadalasan, lalo na kung pagod na pagod na ay nakaliligtaan nating magtanggal ng makeup. Isa sa nagi-ging sanhi ng pagkakaroon ng wrinkles ay ang pagtulog nang may makeup. Kaya naman, upang mai-wasan ito, siguraduhing malinis ang mukha at maging buong katawan bago magpahinga.

PAGKAKAROON NG SAMU’T SARING BISYO

Bisyo, kagaya na lamang ng pag-inom at paninigarilyo, nagi­ging dahilan din iyan ng wrinkles. Ang pani-nigarilyo ang sinasabing isa sa common cause ng wrinkles. Samantalang ang alcohol naman ay naka-pagpapa-dehydrate ng katawan. Kaya para mapanatili ang pagiging mukhang bata, iwasan ang pag-inom at ang paninigarilyo.

HINDI PAGLALAGAY NG SUNSCREEN

Isa lamang ang sikat ng araw sa nakapagdudulot sa atin ng break outs at wrinkles.

Oo, marami sa atin ang tamad na tamad maglagay ng sunscreen. Minsan dahil sa pagmamadali. Minsan naman, dahil hindi nila pinahahalagahan ang benepisyong dulot nito sa katawan at balat.

Isa ang paggamit ng sunscreen sa dapat na­ting kasanayan upang maiwasan ang pagkakaroon ng wrin-kles o ang pagiging mukhang matanda.

Kaya naman, sa tuwing aalis ng bahay, siguraduhing nakapaglagay ng sunscreen para may proteksiyon ang balat sa sikat ng araw at maging sa lahat ng mga mikrobyong nagkalat sa paligid.

MADALAS NA UMINOM NG MARAMING TUBIG

Isa pa sa paraan upang maiwasan ang pagtanda at iba’t ibang sakit na nagkalat sa pa­ligid ay ang pag-inom ng maraming tubig lalong-lalo na ngayong summer.

Napakainit nga naman ng panahon at madalas tayong nagpapawis. At kapag hindi tayo iinom ng maraming tubig ay maaaring ma -dehydrate ang katawan.

Nang maiwasan ito, ugaliin ang pag-inom ng tubig. Magbaon din ng tubig kapag aalis o lalabas ng bahay.

Mainam din ang pag-inom ng tubig upang mapanatiling maganda ang balat.

IWASAN ANG MAAALAT, MATATAMIS AT MAMANTIKANG PAGKAIN

Kapag mainit nga naman ang panahon, napakasarap ang kumain nang kumain. Kung minsan sa ka-gustuhan nating kumain ay hindi na natin naiisip kung healthy ba ang pagkaing ating la­lantakan.

Dahilan din ng pagkakaroon ng wrinkles o pagtanda ang pagkahilig sa matatamis, maaalat at matatabang pagkain.

Kaya naman, iwasan ang mga nabanggit na pagkain. O kaya naman, limitahan lang ang pagkunsumo ng mga ito.

IWASAN ANG PAGPUPUYAT

Mahalaga rin ang pagpapahinga ng mabuti  o pagtulog ng tama upang maiwasan ang pagkakaroon ng wrinkles o pagiging matandang tingnan.

Kaya naman, iwasan ang pagpupuyat kung nais mong mapanatiling maganda ang balat.

Hindi lamang nakagaganda ng balat ang pagtulog ng tama kundi nakabubuti rin ito sa kalusugan.

Maraming simpleng paraan para maiwasan natin ang wrinkles.

Kaya naman, kung gusto mong magmukhang bata at fresh palagi, ingatan ang sarili, kumain ng ma-susustansiyang pagkain at iwasan ang mga bagay na makapagdudulot ng wrinkles.

Mag-ehersisyo rin sa araw-araw nang mapanatiling malakas at malusog ang pangangatawan. (Google Images)

Comments are closed.