IYA VILLANIA WALANG KINUHANG SHOW KAY SUZI ENTRATA

wallfaceBUNGISNGIS at masayang humarap sa entertainment press si Iya Villania sa media presentation nila ng bagong morning lifestyle talk show ng GMA-7 na “Mars Pa More”.

Pero naging seryoso naman ang face ni Iya nang matanong kung ano ang reaksyon nang pinalitan niyang si Suzi Entrata-Abrera.

Say ng actress/host hindi rin ganu’n kadali na pumasok sa isipan niya na siya ang kapalit ni Suzi, lalo pa nga’t original hosts sila ni Camille ng “Mars” sa GMANewsTV sa loob halos ng 7 taon. Nakaramdam ng lungkot si Iya nang malaman niyang siya ang napiling kapalit ni Suzi. Say pa rin ni Iya, isa sa pangarap niya talaga ang maging host ng naturang show, pero hindi rin niya inaakala na magkakatotoo ito, pero may papalitan naman siya.

Nagkausap naman daw sila ni Suzi hinggil dito dahil madalas din silang magsama at magkita sa GMA shows. Ani Suzi kay Iya na wala naman daw kinuhang show si Iya sa kanya, at hindi niya talaga kakayanin na magkaroon ng dalawang daily shows sa Kapuso Network na parehong morning block.

Simula kasi sa July 8, sa GMA-7 na mapapanood ang “Mars Pa More” from 8:50 ng umaga hanggang 9:20am. Samantala, nagtatapos halos ng 8:00 am ang “Unang Hirit” ni Suzi at mas matagal siya sa morning na show na ito, almost 11 years kaysa sa ‘Mars’. Kaya kahit hindi man si Iya ang napili, sadyang hindi pupuwede na maging co-host pa si Suzi sa dati niyang show.

HEART EVANGELISTA MADUGO ANG PAGKAPASOK SA INTERNATIONAL MOVIE

KUNG pagmamasdan mo ang isang Heart Evangelista at ang pagiging fashionista nito ay masasabi mong kahit yata toothpick ay hindi nito kayang baliin o maka­kita man ng dugo ay siguradong titili.

Pero kakaiba pala ang karakter nitong si Heart pagdating sa propesyon, keri niya kahit pa kinakatakutan ng mga fashionistang katulad niya na gawin. Inamin ni Heart na dusa at naging madugo ang kanyang ginawang first international movie.

Ani ng actress, action ang genre ng kanilang movie, first requirement diumano ng kanyang director na walang double double sa action scenes, maliban kung maselan at delikado na talaga ang isang eksena. Kaya pinaghandaan daw ito ng husto ni Heart. Hindi lang pasa ang kanyang inabot kundi pati na rin mga galos sa mga action scene na ginawa.

Ang hindi malilimutan ng actress ay ang eksenang kung saan ay may basagan ng salamin. At dahil may bubog, lakas loob na ginawa pa rin ni Heart ang eksena, halos nagalusan siya ng mga bubog at naiyak diumano si Heart pagkatapos ng eksena. Pero nang napanood ni Heart ang naturang eksena, nawala raw lahat ng kanyang hirap at sakit na na-ramdaman, sa ganda ng kinalabasan ng kanyang ginawa.

Comments are closed.