KUNG ang ibang artista ay aligaga kapag may stretch marks sila sa legs, braso at ibang parte ng katawan, kabaligtaran kay Iza Calzado na proud pa sa kanyang stretch marks sa leeg at braso.
Pinuri si Iza nang i-post niya ang larawan sa Instagram without filters kaya kitang-kita ang stretch marks niya sa leeg at braso. Kung may make-up man ang bahaging ‘yun ng katawan ni Iza ay minimal lang at kita pa rin ang kanyang stretch marks.
“Showing my stripes and loving them hard,” caption ni Iza sa kanyang larawan.
Sa nagtatanong kung may stretch marks din ba siya sa legs? Ang kaagad na sagot niya ay, “thighs of course but not as much on the legs or maybe I haven’t noticed lang. Hehe.”
Bago kasi pasukin ni Iza ang showbiz ay mataba siya kaya nang pumayat ay may stretch marks siya all over her body at hindi niya ito itinatago. Katunayan ay kaya niyang mag-swimsuit at natural na may basher na hindi mapigilan na mag-comment na dinededma na lang ni Iza.
Samantala, sa Disyembre na ang kasal ni Iza sa fiancé niyang si Ben Wintle. Hindi pa lang alam ang petsa ng kasal.
Kahit ikakasal na si Iza ay busy pa rin ito sa trabaho. Nagti-taping at nagsu-shooting sila ng pelikula kasama ang mga kaibigan at kasosyo sa production na sina Sunshine Dizon, Diana Zubiri at Karylle na ididirek ni Mark Reyes.
ASIA’S NEXT TOP MODEL CHAMP MAUREEN WROBLEWITZ AYAW TANTANAN NG BASHERS
HINDI pa rin tinitigilan ng mga basher at haters si Asia`s Next Top Model winner Maureen Wroblewitz sa social media mag-mula ng maging bagong Dabarkad na siya sa Eat Bulaga.
Kahit na makailang beses na siyang nakiusap na tigilan na siya ng mga basher ay patuloy pa rin ang pamimintas sa kanyang kakulangan sa hosting skills at pati na sa pagsasalita ng Tagalog.
“People always ask me if I get affected. Of course, I get affected, I`d be lying if I say I didn’t. But I learned how to handle it and I think it is normal, sometimes I even laugh at the comment.
“I read it but I don’t really focus on them. I`ve already anticipated that I`ll have bashers even after winning AsNTM. If you decide to be in the public eye, not everyone is going to like you,” say ni Maureen.
Wala raw makapipigil sa kanya sa pagpasok sa Eat Bulaga kahit na hindi siya tantanan ng mga basher at wala raw puwedeng magdikta sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin sa kanyang career.
“You just have to focus on the positive things. What I like to do is I focus on the good things, especially those that will uplift my spirit.
“It also pays to surround yourself with positive people and those who truly believe and love you, like your family and friends. Keep a small group of people whom you know and trust deeply.
“At the end of the day, you count on people who care. I also hope that they, the viewers, will also get to know more about me now that I am part of this big family,” pagtatapos ni Maureen.