IZA ‘DI TOTOONG SUMAMA ANG LOOB KAY AIAI

HINDI  naman pala totoo na sumama ang loob ni Iza Calzado kay Ai Ai delas Alas nang matalo siya nghot shots comedienne/actress sa pagka-Best Actress sa Cinemalaya Film Festival 2018.

Bida si Iza sa Distance na kung saan nominado nga siya sa pagka-best actress laban sa pelikula ni Ai Ai na School Service. Pero pinagdiinan ni Iza na wala raw siyang sama ng loob na tinalo siya ng sikat na comedienne/actress.

Ayon pa kay Iza, alam daw niya na hindi panlaban sa best actress ang role niya sa Distance at wala raw moment ang character niya sa nasabing mov-ie.

“I`m actually and even pleasantly surprised whenever I get (positive) feedback, kasi nu’ng tinanggap namin ‘yun, there was really apprehension na may character didn’t really have a moment.

Kahit nga ‘yung iyak ko du’n pinutol pa nina Direk Jun (Lana) at saka ni Direk Perci (Intalan),” paliwanag ni Iza.

Pero kahit alam niya na walang moment ang character niya sa movie ay tinanggap niya dahil na rin sa kakaiba raw ito sa character na kanyang na­gampanan na.

“It  was a very silent film, everything was restrained. So, ‘yun lang. And I did not feel bad at all. At the end of the day, I think whoever had delivered best and who had the best material should win.

So congratulations to Miss Ai-Ai and all the winners. I`m happy though that Terry (Therese Malvar) won (as Best Supporting Actress for Distance .

KLAUDIA  KORONEL GUSTONG-MAGBALIK SHOWBIZ

KLAUDIA  KORONELNGAYON lang nalaman ni Klaudia Koronel na kaya pala nagbabalik bansa ang mga dating artistang naninirahan na sa abroad ay dahil nami-miss nila ang showbiz, tulad niya na hinahanap-hanap pa rin niya ang pag-arte sa harap ng kamera.

Eight years na nani­nirahan sa America at aminado na bukod sa anak niya nandito sa Pinas ay miss na miss na niya ang showbiz. At wish niya na mabigyan uli siya ng pagkakataon umarte sa harap ng kamera oras na siya ay magbalik-bansa.

“May gagawin akong indie film dito sa US and I think kapag naayos na papers ko rito, babalik ako paminsan-minsan diyan. Kasi talagang nami-miss ko ‘yung pag-arte. ‘Yun siguro talaga kung bakit napansin ko ‘yung mga nag-artista na nagpunta dito sa US e, bumabalik sila riyan, kasi kung talagang ‘yon ‘yung original work mo, hahanap-hanapin din ng katawan mo ang pag-aartista.”

Isa sa mga hinahanap at gusto niyang gawin muli ay comedy at event sa showbiz, mga mababait na reporter na tumutulong sa kanya na may talent din siya sa pagpapatawa, sa drama, sa action at puwede din siyang maging kontrabida, puwedeng bida at gusto rin niyang subukan ang pagkanta.

Nakilala at sumikat si Klaudia sa Seiko Film ni Robbie Tan bilang isa sa mga tinatawag na ST Queen noong late 90s.

INA RAYMUNDO IBINAHAGI ANG SIKRETO  NG PAGSASAMA NG ASAWA

Ina RaymundoAYON kay Ina Raymundo magmula nang makita niya ang sweetness nina Julia Barretto at Joshua Garcia ay parang nanumbalik daw ang kanyang kabataan at lambingan uli ng kanyang Canadian husband na si Brian Poturnak.

Kinikilig na itsinika ni Ina sa ilang entertainment writer na kapag wala raw siyang taping ay nilalandi niya raw sa tingin ang kanyang husband na na-papa­ngiti at nagtataka sa kanyang ikinikilos. Na-excite naman raw si Ina sa naging reaction ng kanyang mister.

Naniniwala si Ina na kailangan din daw ng babae na maglandi sa kanilang asawa para mas lalong maging matamis ang kanilang pagsasama.

Eighteen years na silang nagsasama ng Canadian husband at binayayaan sila ng apat na anak. Tatlong babae at isang lalake.

Ayon pa kay Ina, hanggang malakas pa sila ng kanyang mister ay kaila­ngan raw na paminsan-minsan ay nagpapa-cute siya sa  asawa.

Wala raw siyang nakikitang mali sa PDA (Public Display of Affection) na ipinapakita nina Julia Barretto at Joshua Garcia. Na­tural lang daw na iparam­dam  ng magkasintahan ang kanilang pagmamahal sa isa`t isa.

Nauunawaan din ni Ina na malaswa at may malisya sa tingin ng mga conservative ang lambingan ng dalawang nagmamahalan. ‘Yun daw ay love at hindi kalaswaan.

Sikreto raw ng masa­yang pagsasama ng mag-asawa ay dapat ay active pa rin kayo sa romansa kahit marami na kayong anak.