JAB TO JOBS: SOLUSYON PARA MAKABANGON SA PANDEMYA – MARCOS

NANINIWALA si Partido Federal ng Pilipinas standard bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na mas mabilis na makababangon ang bansa kung ganap na mauunawaan ng bawat Pilipino ang kahalagahan ng pagpapabakuna laban sa Covid-19 para makamit ang ‘herd immunity’, na siya namang magbibigay daan sa tuluyang pagbangon ng ekonomiya.

Sa panayam kay Marcos sa programa ni Boy Abunda, ibinahagi niya ang ‘Jab to Jobs’ bilang isa sa mga pangunahing programa na iniisip ng UniTeam para makaahon sa kasalukuyang pandemya na nararanasan ng bansa.

“When it comes to COVID-19 I summarize it very simply. I call it ‘Jab to Jobs’. What we first have to do is to get vaccinated and we have to roll out the vaccines properly,” sabi ni Marcos.

Sa huling datos ng DOH-IATF National COVID-19 Vaccination Dashboard halos 58 milyong Pilipino pa lang ang fully vaccinated na medyo malayo pa sa 70 milyon na target para makamit ang tinatawag na herd immunity.

“We have to make sure that the vaccines are effective and safe, have been handled properly. Hindi pa tayo umaabot doon sa ‘herd immunity’ kailangan talaga nating paabutin doon sa 70-75% ,” sabi niya.

Ipinaliwanag niya na dapat marating na natin ang kalagayan ng ibang bansa kung saan dahil sa bakunado na sila halos lahat ay hindi na masiyadong pinapansin ang Omicron at itinuturing na parang isang ordinaryong flu na lang.

Para kay Marcos, mahalaga rin na pasiglahin ang Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) habang patungo tayo sa ‘herd immunity’ para makapagbigay ng trabaho sa mga tao na naapektuhan ng pandemya.

Mahalaga aniya na bigyan din ng insentibo at tulong ang mga nasa MSMEs, kasama na rin ang sektor ng agrikultura.

“In my view, we do that by revitalizing the MSMEs the small businesses that comprise 95% of the businesses and 60% of our employment in the businesses, they have been very hard hit, the government can help them with the lower taxes, tax holidays, amnesty, etc. the private sector can come in with micro financing and all that,” ayon kay Marcos.

Isinulong din niya ang pagbibigay ng prayoridad sa sektor ng agrikultura at turismo at matulungan sila sa pamamagitan ng public private partnership o mas kilala sa PPP.

“Dapat na priority ngayon pa lang dapat pinaghahandaan na natin so agriculture, tourism, we should go back to the concept of PPPs public-private partnerships and that way we can bring together different segments of government working together so that we the economy will come back and hopefully it comes back even stronger than it was pre-covid,” dagdag pa ni Marcos.

Nauunawaan din ni Marcos na may ilan pa rin tayong mga kababayan na may takot at ayaw pa rin magpabakuna.

Para sa kanya hindi sila maaaring pilitin pero hindi dapat tumigil ang gobyerno na sila ay makumbinsi.

Mahalaga rin aniya ang papel ng bawat Pilipino para mahikayat ang iba pa na magpabakuna para sa kapakanan ng bawat isa.

“Well, they must understand that we cannot force people to be vaccinated karapatan ng tao yan hindi mo pwedeng pilitin na mag vaccinate ngunit sana naman maunawaan nila na kapag sila ay hindi magpapabakuna ay inilalagay nila sa panganib ang lahat ng nakapaligid sa kanila pati na yung kanilang mahal sa buhay, diin niya.

“We should really convince them that this is really important, it is important for your work, it is important to your community, for your family,” panawagan ni Marcos.