JACK MA RETIRO NA

JACK MA

NAG-ANUNSIYO  ng kanyang retirement sa edad na 54 ang Chinese na si Jack Ma, founder ng Alibaba.

Ipinaliwanag ni Ma na  e-commerce guru, na balak niyang maglaan ng mas mahabang panahon sa ilang mga proyekto na nakatutok sa edukasyon.

Si Ma ay isang English teacher bago naitatag ang multibillion-dollar na e-commerce giant na Alibaba noong 1999.

Sa ngayon ay umaabot na sa $420.8 bilyon ang kabuuang asset ng Alibaba.

Sa isang panayam ay  sinabi ni Ma na hindi maituturing na pagtatapos sa kanyang pangalan ang salitang “retirement” kundi panimula ng bagong lan08das na kanyang tatahakin.

Ibinahagi nito kung paanong sa kapital na $60,000 ay napalago niya ang kanyang e-commerce firm na isa sa pinakamalaking pangalan sa hanay ng mga online company sa buong mundo.

Isa si Ma sa pina­kamayamang Chinese na  ang kabuuang networth ay $36.6 bilyon ayon sa Forbes.

Comments are closed.