JACKIE RICE GUSTONG MAGKA-BABY PERO AYAW NG ASAWA

Jackie Rice-3

HALOS dalawang taon na ang nakalipas nang maki­pagkalas si Jackie Rice  sa kanyang eight-year hotshotsrelationship sa boyfriend. Wala raw prob-lema kahit hindi siya magkaroon ng boyfriend, basta importante ay masaya siyang single at may project na pinagkakaabalahan.

Katatapos lang ng ser­ye niyang Hindi ko Ka­yang Iwanan Ka at latest nga ay ang Toda One I Love.

Hindi lang masagot ni Jackie kung kontrabida uli ang role niya sa latest serye. Basta sure siya na walang problema kung kontrabida or bida kon-trabida siya.

Sa nagtatanong wala na siyang balak magka-boyfriend after nang walong taong relasyon nila ng ex-boyfriend ?

Katuwiran ni Jackie, magkaibigan pa rin daw sila ng ex-boyfriend at kapuwa raw sila masaya sa relasyon nila ngayon. Masaya raw ang dating boy-friend at happy rin siya na single. Wala bang nanliligaw sa kanya ngayon?

“Mayroon, pero dahil sa tagal ng relasyon namin ng boyfriend ko, may comparison na, ayaw ko namang pahirapan sila tapos hindi ko naman sila gusto. Mas gusto ko namang magka-baby pero ayaw ko ng boyfriend, ayoko ng asawa, gusto ko lamang magpalahi, charot, ” pagbibiro pa ni Jackie, “Ayaw kong magpakasal.

“Hindi kasi ako naniniwala sa kasal. Kaya sa eight years namin ng boyfriend ko, hind niya ako binigyan ng singsing. Gusto ko, just in case na ikasal ako, ‘yung may mga anak na ako, matanda na ako, gusto ko sila ang abay ko sa kasal, ‘yung ganu’n. ‘Yung true love na talaga ang natagpuan,  hindi iyong magpapakasal ako dahil nagpakasal na ang mga kasabay ko sa showbiz.”

Tanong sa kanya kung ba­kit ganoon ang pananaw niya sa kasal?

“Siguro dahil half American, half Filipino ako, doon ko nakikita iyong divorce-divorce, dito sa Filipinas, mahirap ang divorce.”

Napapanood pa rin si Jackie every Friday sa Bubble Gang kasama ng kapwa sexy actress na sina Kim Domingo, Andrea Torres, Valeen Montene-gro, Arny Rose atbp.

ROBIN PADILLA BINIGYANG-DIIN KUNG PAANO

DAPAT GAMITIN ANG MEDICAL MARIJUANA

ITINULOY ni Robin Padilla ang pangangampanya sa legalisayon ng cannabis na mas kilalang marijuana. Pero pagdidiin niya sa Instagram post na may video sa hindi pagpapahin­tulot ng Super Bowl na i-advertise ang cannabis ad. Hindi siya payag na ga­wing for recreational use ang marijuana sa ating bansa. Kahit na raw may mga state sa USA na pinapahin­tulatan ang paggamit ng marijuana para sa recreation.

Katuwiran ni Robin na hindi pa raw handa ang mga Pinoy sa ganoong sistema na gawing legal ang marijuana sa kahit na anong paraan sa paggamit nito.

Ang punto ni Robin kung matutulad ito sa alak na inaabuso na, baka raw mas lalo ang marijuana kapag naging katulad ng alcohol na puwedeng bilhin kahit saang tindahan.

Pabor si Robin na ga­mitin ang marijuana for medi­cal use tulad ng may mga epilepsy, seizure, depression, pain, cancer at iba pa.

Ang pangamba lang ni Robin ay baka maging pang-elite lang daw ang pres­yo ng gamot na marijuana na hindi kayang bilhin ng mga mahihirap.

Panawagan niya sa kanyang posting ay maging para sa lahat ang gamot na marijuana, lalo na sa mga mahihirap nating kababayan.

JINGGOY AT BONG NAGIGING NEGA DAHIL

SA MGA NAKAPALIGID NA NAGDIDIKTA

JINGGOY-BONGSANA hindi maka­apekto sa kandidatura ng mga mahal naming actor na sina Jinggoy Estrada at Bong Revilla na mu­ling tatakbong senador  sa da-ra­ting na election ng taong nagdidikta sa kanila kung sino ang mga press na dapat makahalubilo.

Sana lang huwag masyadong magtiwala sa tao ‘yung dalawa dahil nega nga ang dating at malas talaga… baka danasin na naman nila ang hindi ina­asahan sa buhay. Maging parehas lang sana.

Sa darating na eleksiyon, sana mawala na sa senado ang mga wala naman nagawa kundi mang­gulo at manira. Sa halip na kasi tulungan ang Pangu-long Duterte na masupil ang laganap na droga ay nagbibida pa na wala naman nagawang tulong sa bayan.

Tumigil na kayo sa pagyayabang at pangungurakot  ng kaban ng bayan.

Comments are closed.