PATOK ang food business ng Kapuso actress na si Jackie Rice, na Pares De Manila na pinagsososyohan nila ng nobyong si Andrew Lopez na kanilang ipinatayo noong 2016. Ngayon, in a span of two years ay tatlo na ang paresan ni Jackie at ng nasabing fiance.
Malaking factor sa tagumpay ng negosyong ito ng actress ay tutok siya sa pagpapatakbo nito. Pareho din silang nag-aral ni Andrew ng culinary arts para ready rin sila sakaling magkasakit ang chef ng kanilang Pinoy resto.
Samantala, kabilang sa plano raw nila ni Andrew na magtayo ng Japanese restaurant sa hinaharap.
“After nito, parang iniisip namin, mag-Japanese naman. Nag-aral kasi si boyfriend (Andrew) ng Japanese cuisine,” kuwento niya. Dahil madalas silang magkasama ng nobyo pati sa pagtatayo ng negosyo, hindi maiwasang matanong si Jackie kung naghahanda na ba silang lumagay sa tahimik. “Hindi pa rin ako ready na makipag-commit ng ano… Kasi ‘pag kasal, ibibigay ko na ang buhay ko talaga sa kanya. Right now, kailangan kong magnegosyo para sa family ko. Tumutulong pa rin ako sa family ko sa Olongapo,” paliwanag niya.
Isa pala sa branch ng Pares de Manila ay matatagpuan sa #3 JP Rizal COr., ANdres MAlong St., Brgy. Marilag Project 4, . Quezon City.
INDIE DIRECTOR BAGONG TALENT BUILDER
FULL blast na ang director at independent movie producer na si Direk Reyno sa paghawak ng talents. Mahal ni Direk Reyno at may malasakit siya sa aspiring newcomers na majority ay hindi man lang matapunan ng tingin ng malalaking TV networks at movie outfits. At siyempre hindi biro ang gastos ng said director sa pagbi-build up sa mga baguhang hawak na agad niyang isinama sa kanyang mga film project.
Nadagdagan na naman ang alaga ni Direk Reyno kaya bukod sa pinasisikat niyang love team na indie stars na sina Tim Rvero at Amaya Vibal, Brav Barretto, Angela Oposa, Jed Kori, at Lyka Lopez ay kabilang na rin sa hina-handle sina Celia Castillo at Zac Garcia, na mala Coco Martin ang dating.
“Alam ko ang pakiramdam ng hindi pinapansin at nare-reject sa mga audition kaya sa abot ng aking makakaya hangga’t kaya ko silang tulungan ay nandidito ako para suportahan sila na maabot ang kanilang mga pangarap,” say pa ng mabait at mahusay na si Direk Reyno.
Bale kapatid pala nito ang indie star na si Celia, na parte ng cast ng dinirek at produced na “9 Na Buwan” kung saan gumaganap siyang nanay ni Amaya sa film at hindi puwedeng pagtaasan ng kilay ang baguhang aktres dahil sa Peta Theater Arts lang naman siya nag-workshop. Kasama na rin siya sa Luib/Betrayal na sa susunod na buwan na ang start ng shooting dito sa Pinas bale magkapatid naman sila rito ng veteran actress na si Janice Jurado.
Habang sina Zac at Brav ay type namang pagtapatin ni Direk Reyno at plano niyang gawan ang dalawa ng full lenght movie in the near future. Waiting pala si Direk Reyno sa magiging resulta ng kanyang short film na “Takipsilim” na isinali niya sa tatlong local at international film festivals.
RYZZA MAE DIZON MAHUSAY SA CAREER STRATEGY
SA husay ng namamahala sa career ni Ryzza Mae Dizon na si Ma’am Malou Choa-Fagar na bise presidente at COO ng Tape Incorporated at tinatawag na Nanay ng Eat Bulaga, mukhang hindi malalaos itong si Ryzza, dahil after sumikat sa kanyang sariling morning talk show na “The Ryzza Mae Dizon Show” at teleseryeng “Princess In The Palace” kung saan nakasama ng batang aktres-host sina Eula Valdez at Aiza Seguerra. Ngayon naman ay patok na patok at kinaaliwan ng todo si Aleng Maliit (Ryzza) sa kanyang performance sa “Barangay Jokers,” bilang si Boss Madam na iba-iba ang sosyal na outfit, bag, shoes, alahas araw-araw. Click din sa TV viewers ang sariling istilo ni Boss Madam sa pagsasayaw na pinauuso ang liyad dance.
Kasama nito sa nasabing segment ang Pambansang Bae na si Alden Richards, mga miyembro ng grupong Baes led by Kenneth Medrano at Miggy Tolentino ganoon na rin sina Hopia at Kendall na PA ni Alden na si Mama Ten Ten. At malay natin, sumunod si Ryzza Mae sa yapak ni Aiza na maging full-pledge singer.
Comments are closed.