SI Jaclyn Jose ang nalungkot para sa anak na si Andi Eigenmann dahil last June 25, ay birthday nito, pero hindi kasama na nag-celebrate ang anak na si Ellie dahil nasa Singapore ang bata.
Post ni Jaclyn sa Instragram wall niya: “1st time that you celebrated your bday without Ellie, i ask you why? You said minsan lang mag-graduate si Jake I can always have her more for my birthday. I agree with that ok lang kasi mas lalo mo ako pinapahanga sa pagmamahal mo kay Ellie..so proud of you for being level headed. Ingat lang anak sa dagat.”
Kasama kasi ni Jake Ejercito ang anak nila ni Andi sa Singapore para umattend nga ng graduation niya, kasama ang parents niyang sina Manila Mayor Joseph Estrada at Laarni Enriquez. Nag-graduate na si Jake ng Master’s Degree in Marketing.
Si Andi naman ay madalas nasa Palawan para sa advocacy nito sa paglilinis nila ng dagat doon. Wala pang balita kung totoong lilipat na si Andi sa GMA Network pero nakita na siyang nag-guest sa “Celebrity Bluff” na contestants silang mag-ina.
Very busy naman si Jaclyn sa kanyang epidemic serye sa GMA 7, ang “The Cure” bilang si Dr. Evangeline Lazaro at patuloy nilang tinutuklas ang gamot na makapagpapagaling sa mga taong affected ng Monkey Virus Disease (MVD). Sa ngayon, marami nang affected ng MVD at kailangang madaliin na nina Dr. Lazaro na matagpuan ang gamot na makalulunas sa kanila.
Napapanood ang “The Cure” gabi-gabi pagkatapos ng “24 Oras.”
GABBY EIGENMANN HINAHANGAAN DAHIL
‘DI MAREKLAMO KAHIT ANONG IBIGAY NA ROLE
SI Gabby Eigenmann ang isa sa hinahangaan naming artista na walang reklamo kahit anong role ang ibigay sa kanya, sa movies man o sa TV. Mahusay na actor, bida man o kontrabida, mas madalas na kontrabida, hindi rin problema sa kanya ang gumanap bilang isang bading.
Napanood na siya noon sa “Dading” na kinupkop si Glaiza de Castro at ang anak nito nang iwan sila ng nakabuntis sa kanya, siya na ang tumayong ama ng anak ni Glaiza. Kaya hindi na kataka-taka kung tinanggap din niya ang role ni Duquessa Dolce Vita sa “Contessa” na muli silang magkasama ni Glaiza bilang si Contessa.
“Dito hindi lamang ako basta bading, nag-make up ako tulad ng isang girl at nagsuot din ng damit babae,” natatawang wika ni Gabby. “No big deal naman sa akin dahil nagsimula akong isang mabagsik na lider ng pamilya Imperial, ako si Vito Imperial. Pero nalaman ni Contessa na bakla ako, na karelasyon ko ang bodyguard kong si Winston, at doon niya ako ibinuko sa business community, pinahirapan niya ako hanggang sa naging mental patient ako. Ang hindi niya alam, umaarte lamang akong baliw at ako naman ang rumesbak sa kanya.
“Pero ang laki ng paghanga ko lalo kay Glaiza dahil ang hihirap ng mga ginawa ko sa kanya, pero nakaya niya iyon. Naawa nga ako nang pinagsuot ko pa siya ng gown na para sa isang Contessa at nakikipaglaban siya sa akin at sa mga tao. Napaka-dedicated niya sa kanyang trabaho.”
Ang “Contessa” ay napapanood Monday to Saturday, after ng “Eat Bulaga.”
Comments are closed.