JADINE MUKHANG MAGKAKAHIWALAY NA

Jadine

TAPOS na ang 2019 pero may pahabol na tsika ang aming source tungkol sa on-reflectionand-off screen loveteam na sina James Reid at Nadine Lustre.

Una muna ay  tinanong niya kami kung kumusta na raw ang mag-dyowa at ano ang latest tsika ang naririnig namin about them?

Well, ang latest lang naman na narinig namin ay aalis na raw si Nadine sa pangangalaga ng Viva bilang manager niya.

Pagkatapos ay magpapa-manage na siya sa bagong tayong talent management ni James.

Then, ibinida na ng aming source ang latest tsika na nabalitaan niya sa JaDine loveteam.

Ayon sa aming source, madalas daw mag-away ang magkasintahan. Worry ng mga concern friends ay baka tuluyan ng mauwi sa hiwalayan ang JaDine.

Pero ang mas nakababahala ay ‘yung may sinabi pa raw si Nadine na kapag naghiwalay sila at tuluyan na siyang iwan ni James, magpapaka-matay raw siya.

E, tini-take nila se­riously ang banta ni Nadine since knows naman ng marami kung gaano niya binuhos ang panahon niya at halos ibigay niya lahat dahil  sa sobrang pagmamahal niya kay James.

Isa pa,  ‘di ba’t nagpakamatay rin ang younger brother ni Nadine few years ago?

Naku, we wish na ‘di walang katotohanan  lahat ng sinabi ng aming source, huh.

And if ever, sinoman sana ang mga malalapit sa dalawa especially kay Nadine ay ipagdasal siya, suportahan at make their presence felt beside her.

Nakaaalarma ang ba­litang ito lalo pa’t maraming artista ang dumaraan sa depresyon at ‘yung iba ay nagpapakamatay tulad na lamang ng yumaong dating Kapamilya star na si Mico Palanca.

Ang masasabi lang namin is dasal lang ng dasal.

Pray pa more para sa buong industriya at salubungin natin ang 2020 ng may malalim na pananampalataya at pananalig sa Diyos!

KARLA ESTRADA NATUPAD ANG CHRISTMAS WISH

INUBO si Momshie Karla Estrada nung banggitin niya ang dobleng saya na nilo-look forward niya nu’ng Pasko sa special Christmas episode ng everyday morning show sa ABS-CBN na “Magandang Buhay.”

This year daw kasi ay mayroon ng makakasama si Momshie Karla na ‘someone special’ after so many years, aside from her children. At ‘yun ay walang iba kundi si Jam Ignacio.

Ngayon lang din sa Christmas episode ng “Magandang Buhay” na may nakasama na si Momshie Karla na “dyo­wa” gaya ni Mark Escueta kay Momshie Jolina Magdangal at si Jason Francisco kay Momshie Melai.

Sa social media account ni Momshie Karla ay may nasilip din ka­ming photos ng Christmas celebration nila sa kanilang bahay.

Kumpleto ang pamilya at maging ang superstar niyang anak na si Daniel Padilla ay nakasama nila.

Hopefully, nakapag-bonding ang boyfriend ni Momshie Karla kay Daniel.

Comments are closed.