LAGUNA – NAKALIGTAS mula sa tinamong tama ng bala sa kanyang katawan ang 44-anyos na Bureau of Jail Management and Penology Officer (BJMP) makaraang tambangan at pagbabarilin habang lulan sa kanyang minamanehong sasakyan habang kasama ang isa sa kanyang tauhan sa bahagi ng National Hi-Way, Brgy. Real, lungsod ng Calamba kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni PLt. Col. Jacinto Malinao Jr, hepe ng pulisya ang biktimang si SJO4 Adan Ibarrola Emor, may asawa, residente ng Brgy. Pili, Sariaya,Quezon.
Sa imbestigasyon, alas-5:25 ng hapon nang maganap ang naturang insidente habang patungo sa crossing ang biktima lulan sa kanyang minamanehong sasakyan kasama ang tauhan nitong si JO2 Cynthia Mallen nang tambangan ng mga suspek.
Tumakas ang mga suspek makaraan ang pamamaril lulan ng motorsiklo at ngayon ay patuloy na tinutugis ang mga ito ng pulisya.
Kaugnay nito, nasa maayos nang kalagayan ang mga biktima kahit isa sa kanila ay nagtamo ng bala sa kanyang katawan. DICK GARAY
Comments are closed.