BASILAN – MASSIVE manhunt na ang ginagawa ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) upang maibalik sa Lamitan City Jail ang walong preso na pumuga kahapon ng umaga.
Sinasabing ang mga pugante ay armado ng dalawang M-16 Armalite.
Ayon sa mga opisyal ng BJMP facility, dakong alas-10:00 nang makatakas angwalong bilanggo na tinulungan ng isang trustee inmates.
Magkatuwang na tinutugis ngayon ng BJMP at mga police personnel sa agarang pagkakadakip ng mga nakatakas na bilanggo.
Pito sa tumakas ay may kasong may kaugnayan sa droga, habang ang isa ay akusado sa pagpatay.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Christopher Panapan, hepe ng Lamitan City PNP, nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kung paano nakatakas ang mga preso.
Kumpirmadong tinangay rin ng mga preso ang dalawang M16 rifle ng mga guwardiya ng city jail. VERLIN RUIZ
Comments are closed.