HIRAP na hirap si Jak Roberto na mag-deny tungkol sa tunay nilang relasyon ng girlfriend na si Barbie Forteza, pero sa kapipilit ng mga kausap nilang entertainment press na bumisita sa set, napangiti na lamang siyang umoo, going strong daw ang kanilang relasyon na may one year na rin.
Hindi mo naman maalis na huwag umamin si Jak dahil may siya nga ang katambal ni Glaiza de Castro sa “Contessa” at si Barbie naman, ang leading man ay si Derrick Monasterio sa “Inday Will Always Love You.”
MGA PAGBABAGO SA PROGRAMMING NG GMA7
MAY changes na sa programming ng GMA Network. Noong Saturday, last episode na ng long running-comedy game show na “Celebrity Bluff” ni Eugene Domingo. Guest nila ang love team nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix, ang magkatambal sa “Kung Mahati Ang Puso” sina Bea Binene at Benjamin Alves at ang dalawa sa cast ng “The Cure,” sina Kylie Padilla at Arra San Agustin.
Noong Sunday naman, last episode na rin ng “Lip Sync Battle Philippines” hosted by Michael V at Iya Villania at ang huling naglaban ay sina Com-edy Queen Ai Ai delas Alas at ang bagong Kapuso actor na si John Estrada.
Papalitan naman ito ng talent search na “The Clash” hosted by Regine Velasquez-Alcasid at panel of judges sina Lani Misalucha, Christian Bautista at Ai Ai delas Alas. Mapapanood ito every Saturday and Sunday simula sa July 7.
Ngayong Monday naman, July 2, 9:15 AM, mapanonood na ang first Turkishnovela sa GMA. Papalitan nito ang Koreanovela namang natapos na last Friday, ang “Cinderella and the Four Knights.”
Ipinakikita na ang trailer ng “Wings of Love” na isang suspense drama series at parang babalik tayo sa mga Mexicanovela na unang ipinalabas dito sa atin bago pumasok ang mga Koreanovelas at Japanese Asianovelas.
Ayon kay Joey Abacan, gusto naman niyang maipalabas dito sa ating ang ibang mga teleserye ng ibang bansa, especially sa Asia, kaya nga raw kila-la tayo bilang “Heart of Asia Novelas.”
ALDEN RICHARDS PINURI SA KANYANG COSTUME PARA SA BAGONG SERYE
INILABAS na ng GMA ang buong costume na gagamitin ni Alden Richards para sa bago niyang action-drama-fantasy series na “Victor Mag-tanggol.” Umani ng maraming papuri nang ma-post na ang picture ni Alden suot na ang complete costume na fit na fit sa kanya at lalo raw lumabas ang kaguwapuhan ni Pambansang Bae. Nai-shoot na ito noong isang gabi sa studio na gamit ng “Victor Magtanggol.”
Nang lumabas ang complete costume ni Alden, may nagreklamo raw na bakit ginaya nila ang concept at story ng “Thor?” Tiyak naman kung totoo iyon na ginaya, hihingi naman ng permission ang GMA sa mga kinauukulan. Tulad na rin iyan ng mga pag-remake ng mga Korean telenovela at stories ng Marvel.
Excited naman ang fans ni Alden at mga GMA televiewer, gusto raw nilang mapanood na ang “Victor Magtanggol.” Abang-abang na lamang tayo kung kailan ia-announce ng GMA ang exact airing date ng serye ni Alden Richards.
Comments are closed.