GUSTUHIN man nila o hindi ay siguradong magku-krus ang landas nina Jake Vargas at ang ama ng kanyang girlfriend na si Inah de Belen, si John Estrada dahil pareho silang Kapuso talent.
Naikuwento ni Jake sa presscon ng latest project niya sa GMA7 ang “Ika 5 Utos” na maraming beses na niyang nakasama si John. Noong una raw ay talagang natensiyon si Jake at nangyari ito sa isang GMA 7 event. Nagkamayan daw sila pagkatapos na ipakilala ni Inah sa ama si Jake. At ang latest daw ay nang mag-guest si John sa regular show ni Jake, ang “Pepito Manaloto.”
Kuwento ni Jake, naging maganda naman daw ang kanilang pagkikita at pabiro pa ngang sinabihan ni John si Jake, nang magkamayan ang dalawa, na “nipis.” Paliwanag ni Jake, payat daw ang ibig sabihin ni John, pero alam naman ng young actor na biro lang ito dahilan sa okey naman daw ang samahan na nila at wala nang tensiyon.
Sa “Ika 5 Utos”, bad boypren si Jake kay Inah at binubugbog niya ito. Sa tunay na buhay kaya dumating din ang time na maging battered girlfriend niya si Inah? Ayon sa binata, sa role nga lang niyang bad na boypren ay hirap na siyang gawin, sa totoong buhay pa raw kaya? Si Inah daw ang tipo ng babaeng dapat na mahalin at ‘di dapat saktan.
KARYLLE HANDA NANG MAGKAANAK
ISA pa rin sa naging kapuna-punang hosts nang nakaraang PMPC Star Awards for Music ay si Karylle. Maraming napa-wow sa ganda at porma ni Karylle noong gabing iyon, tila isang nagdadalaga at puwedeng sumabak sa mga beauty contest.
Pero everybody knows naman na misis na si Karylle ng lead vocalist na si Yael Yuzon. Sa backstage ay natanong si Karylle kung baby is coming soon na ba para sa kanilang mag-asawa since almost 4 years na rin naman silang kasal. Say ni Karylle, waiting din siya for the baby and praying na sooner than she thinks ay dumating na ang kanilang anak ng mister. Ready na rin daw si Karylle na maging isang mother and start a family.
JULIE ANNE SAN JOSE SUPER THANKFUL SA PMPC
“THANK you, Star Awards for Music” for the award, ang masayang nabanggit ni Julie Anne San Jose nang makopo niya ang titulong 2017 Female Pop Artist of the Year, samantalang ang 2018 Female Pop Artist of the Year ay si Kim Chiu naman ang nanalo. Magkasabay kasing ginanap ang 9th and 10th Star Awards for Music na isang dekada nang nagbibigay-pugay sa mga OPM excellence.
Ganu’n na lang ang labis na pasasalamat ni Julie Anne dahilan sa isa sa kantang malapit sa kanyang puso ang nagpanalo sa kanya ng titulo, ang ‘Chasing the Light’ under GMA Records.
Comments are closed.