HALATANG nairita si Jake Zyrus sa isang netizen na ikinumpara siya sa isa pang transgender na si Ice Seguerra.
Sabi ng netizen, sayang raw ang boses ni “Charice.”
Ikinumpara pa nito si Jake kay Ice Seguerra na isa ring transgender pero hindi raw bagbago Ang boses.
“Sayang boses mo Charice. Bakit si Ice Seguera transman pero never binago ang boses. Sayang talaga”
Hindi raw yung pagpansin sa boses niya o pagkukumpara kay Ice Seguerra ang ikinairita ni Jake kundi ang pagtawag nito sa dati niyang pangalang Charice na matagal na niyang inilibing sa limot.
Wala raw namang problemang pinuri ng netizen si Ice dahil talagang mahusay ito. Besides, kaya niyang ipaliwanag ang pagbabayad ng timbre ng boses niya.
Ani Jake sa netizen, matuto sana itong rumespeto, kahit pa sa isang transgender na tulad niya.
Tungkol naman sa timbre ng boses niya, nahho-hormone therapy daw kasi si Jake; si Ice, hindi. Hanggang doon na lang daw ang kanyang explanation dahil hindi rin naman siya maiintindihan ng bida-bidang netizen.
Tingin namin, medyo ignorant ang nasabing netizen when it comes to gender transformation o sa kahit anong may kinalaman sa medicine. Hindi ba Niya naisip na si Jake Zyrus ay naghahanda para sa sex change? Hindi naman
Basta inopera, lalaki na agad. May mga pagdadaanan siyang therapy. Si Ice, hindi siya magpapa-sex change. Transgender lang siya sa hitsura at accepted yon ng Asawa niya, at masaya sila.
Pasensyahan mo na lang ang basher mo, Jake. Pagbigyan mo na at gusto lang bumida.
In the case of Charice Pempengco, aminin mo’t hindi, bahagi siya ng nakaraan mo. Si Charice ang hinangaan ni Ellen DeGeneres, hindi si Jake Zyrus. At alam mo — nating lahat, na si Charice at si Jake Zyrus ay iisa.
Speaking of Aiza or Ice Seguerra, hindi niya ikinahihiyang Aiza ang pangalan nya. In fact, ito Ang pangalang ginamit niya nang nagpakasal sila ni Liza Diño. Proud din siya minsan ay nanalo sirang Little Miss Philippines. We could say, it’s just a matter of acceptance. Tanggap ni Aiza lahat ng pangit at magandang pangyayari sa buhay niya. You see, I call her Aiza now — at “her” — but I doubt na magre-react siya negatively or, if ever she will react at all. Willing nga siyang magbuntis para hindi mahirapan ang asawa niya.
Para lang naman sa akin, opinion ko lang, parang si Jake Zyrus ang hindi pa matatanggap ang malaking pagbabago sa buhay niya. Hindi big deal kung tawagin man siyang Jake o Charice tulad ng hindi big deal kung Aiza man o Ice ang itawag kay Seguerra. Ang big deal ay kung hindi mo accepted kung sino ka. RLVN