JALALON AT MISIS NAGKABALIKAN NA

on the spot- pilipino mirror

SABI na nga ba, ang problema kapag idinaan sa magandang usapan ay may magandang kahihinatnan tulad na lamang ng nangyari kay Jio  Jalalon at sa kanyang asawa.

Naghiwalay ang dalawa dahil sa pagkaka-involve umano sa ibang babae ni Jalalon na naging talk of the town. Lumabas ang balita kung saan-saan pati na sa social media.

Ilang buwan din  naman ang kanilang paghihiwalay. Magandang balita para sa fans ni Jio at sa Magnokia Hotshots ang balikan blues ng mag-asawa.  May mga picture na silang pamilya na magkakasama sa Instagram, Tweeter at usapan na rin ito sa social media

Congrats, Jio at Christina Jalalon. Bago matapos ang taon ay nabuo na muli ang inyong pamilya. Hindi lang kayong mag-asawa ang masaya kundi ang inyong mga anak, magulang at kaibigan.

Ito pala ang dahilan kung kaya good karma na si Jalalon. Kapansin-pansin na maganda ang itinatakbo ng kanyamg basletball career.

oOo

Hindi tumitigil ang Japan B. League sa pag-pirate ng mga player natin dito sa iba’t ibang liga, lalo na sa PBA  Ngayon naman ay may nag-o-offer kay Metthew Wright na mga team sa B.League.

Mukhang kakagatin ni Wright ang offer sa kanya sa Japan.

Kapag nagkataon na iwanan ni Wright ang  Phoenix  Super LPG Fuel Masters ay patay ang team ni coach Topex Robinson. Malaking bagay ang Fil-Canadian sa koponan.

Ayon kay coach Topex, hindi nila pipigilan si Mathew sa magiging desisyon nito. Sakaling tanggapin nito ang offer para maglaro sa Japan B. League ay magkakaroon pa ito ng  blessing ng management  tulad ng ginawa ng NLEX Road Warriors kay Kiefer Ravena.

oOo

Speaking  of Kiefer,  patuloy ang pamamayagpag ng  basketball career  nito sa Japan B. League.  Tulad ng kapatid na si Thirdy Ravena ay may endorsement na rin ito na isang fresh mlk.

Sa totoo lang ay isang  malaking karangalan para sa bansa ang tagumpay na  natatamo ng mga Pinoy import sa B. League.  Congrats sa inyong lahat!