PINAGKAISAHAN umano ng kanyang teammates ang player na ito kung kaya nawala siya sa kanyang mother team. Ang siste, utos lang daw ito ng management sa kanilang players para ma-trade ang dating taga-Morayta. Ang isang player na sumunod naman ay na-trade din sa ibang team kaya nagagalit ang mama sa pagsunod sa utos ng management na kunwari ay galit sa player na ito.
Ayon sa nagpi-PR sa basketbolista, mabait daw talaga ang player na ito na parang kinaiinisan lang ng lahat dahil sa pagbabago ng ugali ng mama. Pero sana, kung totoong mabait ang player na ito ay patunayan niya. Mamansin siya hindi lang sa kapwa players niya kundi pati sa mga nasa paligid niya para maging blessing ito sa kanyang career.
Sa paglipat niya sa bagong team, hindi naman kaya ang bagong magiging teammates niya ang magkaroon ng problema sa kanya? Knowing na ang ilang players sa lilipatan ng mama ay mga seloso. Kaya dapat pasahan ni player ng bola ang kanyang teammates. Kung hindi ay siguradong away sa practice ang aabutin ng bagong saltang player sa koponang ito.
Kung hindi titigilan ng misis ng isang player ang pakikialam sa kanyang career, malamang ay sa kangkungan siya pulutin. Hindi lamang sa pagkuha ng manager nakikialam ang asawa ng player kundi pati sa kontrata. Sa totoo lang, hindi lang isa o dalawa ang kilala kong misis na nakikialam sa career ng kanilang asawa. Kaya ang resulta, maagang nawalan ng career ang kanilang dyowa.
Nakatutuwa naman itong si Ryan Arana. Sa unang pagkakataon ay silang dalawa lang ng anak niyang si Thanos ang bumiyahe patungong Dubai, kung saan nakabase ang wife nitong stewardess. Mabait naman ang kanyang little man na hindi nagloko kahit si Papa Ryan lang ang kasama at walang yaya. Siyempre, waiting ang wife niyang si Erika sa kanyang mag-ama. Congrats kay Ryan dahil naramdaman niya ang pagiging ama na kailangang safe silang dalawa sa biyahe. And speaking of Arana, matatapos na ang kontrata niya sa NorthPort. Hoping na mabigyan siya ulit ng panibagong kontrata ng management. Iba pa rin ang veteran player sa team lalo na pagdating sa mga crucial game.
Matagal na ang usap-usapan na iti-trade si James Yap ng Rain or Shine. Pero pawang mga ugong-ugong lamang ito, lalo na’t si Chris Tiu ay nagpaalam na sa management at sa teammates niya na huling conference na niya ‘yung nakaraang conference at haharapin naman niya ang kanilang business at kanyang pamilya lalo na ang mga anak na naglalakihan na. Bagama’t hindi gaanong nagagamit ni coach Caloy Garcia si James, hindi ibig sabihin nito ay hindi niya gusto si Yap sa team.
Minsan kasi ay tumatayming din si coach Garcia. Saka franchise player na ng ROS si Yap. Malaking bagay ito sa marketing ng Rain or Shine. Ang pagkakaalam ko ay 2 more years at magre-retire na rin si Yap sa paglalaro.
Comments are closed.