JAMES BOND VS KFR SYNDICATE

Erick Balane Finance Insider

MISTULANG eksena sa pelikula nang matakasan ng isang Revenue District Officer (RDO) ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang notorious na kidnap for ransom syndicate na bumibiktima sa mga opisyal ng ahensiya.

Ang biktima sana na itinago sa pangalang ‘Soc’ ay nag-ala James Bond nang paglabas niya sa kanyang opisina noong Miyerkoles ng hapon sakay ng kanyang private car ay nakatunog siya na may sumusunod sa kanya. Mabilis nitong pinatakbo ang kanyang kotse, ngunit mabilis din siyang hinabol ng sindikato at naghatawan ng karera ng sasakyan.

Binunggo ang sasakyan ni Soc ngunit nakipagsabayan ito ng bungguan. Sa tindi ng salpukan, nabasag ang salamin ng sasakyan ni ‘Soc’ at hindi ito nasiraan ng loob at natakasan ang sindikato.

Si ‘James Bond’ ay ika-39 sana sa hanay ng key officials ng BIR na biktima ng grupo. Ang mga naunang biktima ay kinabibi-langan ng isang dating BIR deputy commissioner, regional directors/assistant directors, RDOs, group supervisors at iba pa.

Kumikilos na ngayon ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) para malansag ang nasabing kidnapping syndicate subalit hindi ito lubusang makagalaw dahil wala ni isa man sa mga biktima ang gustong magreklamo o magbigay ng impormasyon para matugis ang mga kriminal.

Sa kabila ng ganitong pangyayari sa BIR, kumpiyansa pa rin ang finance department, sa pamumuno ni Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III na makokolekta ang iniatang sa kanilang tax collection goal mula ngayong taon.

Ayon sa Development Budget Coordinating Committee (DBCC), bagama’t bahagyang naapektuhan ang koleksiyon ng BIR da-hil sa sindikato ay unti-unti namang nakababawi sa koleksiyon ng buwis ang Bureau of Customs (BOC). Umaasa si Secretary Son-ny na muli itong makaka-recover sa tax collections para matugunan ang ‘Build Build Build’ project ni Pangulong Rodrigo Duterte bago matapos ang termino nito.

Sa datos ng DBCC, ang dalawang tax collection agencies ay naatasang kumolekta ng kabuuang P2.642 trillion ngayong 2019. Sa nasabing halaga, P2.005 trillion ay dapat kolektahin ng BIR, samantalang P637.1  billion naman ang sa BOC. Sa kategorya na-man ng negosyo o kalakalan sa local government units (LGUs), partikular sa bayarin sa amilyar, sa kauna-unahang pagkakataon ay nanguna sa talaan ang Quezon City government na may assets na P59.556 billion, sumunod ang Makati City, P54.85 billion; City of Manila, P36.102 billion; Cebu City, P32.623 billion; Pasig City, P29.899 bilyon; Taguig City, P16.268-B; Pasay City, P14.954-B; Caloocan City, P14.702-B; Davao City, P9.899-B; at Iligan City na may P9.897-B, ayon sa records ng Commission on Audit (COA).

Alinsunod sa kautusan ni Pangulong Digong, isang major revamp ang isinagawa ni Secretary Sonny sa hanay ng mga key offi-cial ng BIR at BOC sa layuning wakasan ang korupsiyon na patuloy na namamayani sa dalawang nabanggit na collecting agencies sa bansa.

Ang BIR at BOC ay kabilang sa itinuturing na ‘most corrupt’ agencies sa bansa.

Sinabi ng source na bago o pagkatapos ang State of the Nation Address (SONA) ni Presidente Duterte sa darating na July 22 ay iaanunsiyo ng Palasyo ang isa pang top to bottom revamp sa BIR at BOC.



Para sa komento o opinyon, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag-email sa [email protected].

Comments are closed.