PINABULAANAN ng kampo ng Rain or Shine Elasto Painters na iti-trade nila si James Yap sa Magnolia Hotshots.
Matagal na raw itong tsismis, pati nga si Magnolia Gov. Rene Pardo ay sinabi na walang katotohanan na babalik sa kanila si Yap.
Pahayag nga ni team manager Edison Oribiana, nais nilang magretiro si James sa team nila. Magiging bahagi ng kasaysayan sa kampo ng RoS ang pagreretiro ng isa sa pinakasikat na player sa PBA.
Samantala, pinakawalan na ng team sina Ryan Arana at Chris Rosales. Kapwa expired na ang kontrata ng dalawa. Si Arana naman ay expected na hindi na siya ire-renew ng management dahil nakiusap lang ito noong isang taon sa team. Ang nakapagtataka ay kung bakit hindi na in-extend ang kontrata ni Rosales na malaki ang naitutulong sa team. Mas gusto pa ng RoS na makakuha ng rookie sa PBA draft ngayong March na maraming mahuhusay na players.
Nakakatuwa naman ang magkasintahang sina Scottie Thompson at Pau Fajardo na napaka- sweet sa isa’t isa. Walong taon na ang kanilang relasiyon kung saan nagkakilala ang dalawa sa gym ng University of Pepetual Help Dalta. Si Thompson ang nagka-crush kay Ms Pau, na nakita niya sa P.E. class kaya alam niya ang time ng klase ni Ms Pau. Matagal nang crush ni Thompson ang nobya pero hindi siya maka-first base dahil torpe daw siya.
Nagkaroon siya ng lakas ng loob nang makita niyang nanonood si Pau sa kanilang laro sa NCAA. Ayon kay Ms Fajardo, kapag hindi kasi nanood ng game ay babagsak sa P.E.
Kamakailan lang ay nag-propose na si Thompson kay Ms Pau, at engaged na ang dalawa. At malamang ngayong taon ay magpakasal na sila.
Ano mga bagong kaganapan sa PBA, billiards, boxing at kurash ang pag-uusapan ngayong umaga sa Tabloid Organization in Philippines Sports (TOPS) via ZOOM sa ganap na alas-10:00 ng umaga.
Tatalakayin ng Blackwater Elite, sa pangunguna ni team owner Dioceldo Sy, ang kanilang paghahanda sa 46th season ng PBA, gayundin ang nalalapit na Rookie Draft sa Marso. at ang East Asia Basketball League.
Ang iba pang guests sa TOPS ay sina Southeast Asian Games boxing gold medalist at 2016 Rio Olympian Charly Suarez, SEA Games women’s kurash gold medalist Estie Gay Liwanen, Sanman Promotions head JC Manangquil, Makati Pool Players Association Director Leslie “Anitokid” Mapugay at Wilde Blu Junior Billiards Team mainstay Bernie “Benok” Regalario para sa second half ng session.
Tatalakayin naman ni Suarez ang matagal na niyang pinakahihintay na laban kontra Jonjom Estrada sa Roboot 2021 Dawn of New Beginning sa Panique, Tarlac sa Feb 13.
Sasabihin naman nina Liwanen, Manangquil, Mapugay at Regalario ay kanilang mga plano ngayong taon.
Comments are closed.