LEBRON JAMES. PHOTO FROM TEAM USA BASKEBALL
PARIS — Si four-time NBA champion LeBron James ang magiging male flag bearer ng Team USA sa opening cremony ng Paris Olympics sa July 26.
Ang two-time Olympic gold medalist, 39, ay nasa kanyang ika-4 na pagsabak sa Olympics.
“It’s an incredible honor to represent the United States on this global stage, especially in a moment that can bring the whole world together,” pahayag ni James sa isang statement.
“For a kid from Akron, this responsibility means everything to not only myself, but to my family, all the kids in my hometown, my teammates, fellow Olympians and so many people across the country with big aspirations.
Sports have the power to bring us all together, and I’m proud to be a part of this important moment.”
Ang kanyang female counterpart, na magbibitbit din ng bandila sa isang barge kasama ang mga bangka na lulan ang iba pang koponan sa river Seine sa harap ng 300,000 spectators, ay iaanunsiyo sa Martes.
Si James at ang kanyang flag bearer counterpart ay pinili sa pamamagitan ng boto ng kapwa Team USA athletes.