JAMES NAG-RENEW NG 3-YEAR CONTRACT SA RAIN OR SHINE

on the spot- pilipino mirror

NAGING maganda ang buena manong laro ni James Yap para sa Rain or Shine Elasto Painters. Katunayan, siya ang naging daan sa panalo ng team kontra NLEX Road Warriors, 96-87. Very inspired si Yap dahil ni-renew siya ng 3-year contract ng ROS management.

Kaya naman ang ganti nito sa mga team owner na sina Mr. Raymund Yu at Mr. Terry Que ay panalo sa PBA Philippine Cup. Si James ay gumawa ng 20 points, sa first half pa lang ay nakapuntos agad ito ng 11. Bagama’t 36-anyos na, kayang-kaya pa ni James na makipagsabayan sa mga batang player natin ngayon. Hindi pa rin kumukupas ang mga kamay ng batang Esca­lante.



Nagpakitang-gilas naman ang ROS rookie na si Javee Mocon. Tumulong ito upang makuha ang unang panalo ng Elasto Painters. Si Mocon ay humataw ng 13 points. Animo beterano ang mama, walang takot makipagsabayan sa mga beteranong player ng Road Warriors.

Nagkaroon na rin ng katuparan ang pangarap ng San Beda boy na makatuntong sa professional league. Higit sa lahat, maligaya sa tinatamasang tagumpay ang mga magulang ni Javee. Si Mocon ay binigyan ng 2-year contract ng Rain or Shine management.



Mukhang masuwerte ang taong 2019 sa Phoenix Pulse Fuel Masters. Sa huling laro nila laban sa TNT KaTropa, muling nanalo ang tropa ni coach Louie Alas via overtime na naman. Ang unang panalo sa overtime ay laban naman sa sister team ng KaTropa na Meralco Bolts. Si Calvin Abueva ang nagpanalo sa koponan.

Habang sa Antipoli games naman nila ay si Matthew Right ay gumawa ng 23 points para sa kanyang career high. Nagdagdag si Abueva ng 14 puntos at 12 rebounds, habang si Perkins ay may 11 points at 15 rebounds. Sabi nga ni coach Alas, nakakapagod ang dalawang games nila na kapwa overtime.



Natutuwa naman ako kay coach Elvis Flores Tolentino ng Marikina, MPBL Team. Kahit wala na sa kanya ay todo suporta pa rin siya sa kanyang player na si Jackson Corpuz.  Sinabi nga nito na sana ay mabigyan ng write up si Corpuz para naman mapansin ito.

Sa unang laro ni Corpuz kung saan nasa kampo ito ng Columbian Dyip, very impressive ang ipinakita niya sa panalo nila against San Miguel Beer na ginawa sa Cuneta Astrodome, 124- 118. Todo bigay rin ang laro ng kapwa rookie na sina CJ Perez, top overall pick,  at Reden Celda.

Comments are closed.