ANO nga ba ang sikreto ng tinatamasang tagumpay nina Rio Olympian Hidilyn Diaz, boxing champion Jerwin Ancajas at ng PBA team Talk ‘N Text?
Ito ang mainit na tutugunan ni well-known nutritionist/dietitian Jeaneth Aro sa kanyang pagbisita sa 43rd Usapang Sports ng Tabloids Organi-zation in Philippine Sports (TOPS) ngayon sa National Press Club.
Tatalakayin niya ang importansiya ng tamang nutrisyon at Aro diet para sa Filipino athletes na nakatakdang sumabak sa 30th Southeast Asian Games sa Manila sa Nobyembre 30-Disyembre 11.
Isang BS Nutrition graduate sa University of the Philippines-Dliiman, si Aro ang siya ring nutrition coach ni Meggie Ochoa, ng Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP), La Salle Greenhills swimming team, UST taekwondo team, at Nutrifit Philippines.
Iniimbitahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat ng mga opisyal at miyembro, kasama na ang mga kaibigan sa sports community na dumalo sa sesyon na ipinalalabas ng live sa Facebook via Glitter Livestream.
Ang TOPS ay kinabibilangan ng editors, reporters, columnists at photographers ng mga pangunahing national tabloids sa bansa.
Dalawang linggong mawawala sa kampo ng Rain or Shine si James Yap dahil sa kanyang groin injury . Nadale ng injury si Yap sa laro nila kontra Magnolia kung saan nanalo ang tropa ni coach Chito Victolero. Matagal na raw sumasakit ‘yung groin injury ni James, hindi na nito nakayanan nung laban nila sa Hotshots. Kung kailan pa kailangan si Yap saka pa ito nadale. Sa edad na 38, mukhang nadadalas ang pakakaroon ng injury ng dating UE Warrior. Anyway, get well soon.
Paganda nang paganda ang laro ni Alvin Capobres ng San Seabastian College . Katunayan, napakikinabangan siya ni coach Egay Macaraya. Last year na ni Capobres ngayong taon sa NCAA, at tutuntong na siya sa PBA kung saan sasama siya sa annual draft this coming December. Excited na si Alvin sa pagpasok niya sa PBA. Laking pasasalamat ni Capobres sa magandang playing time na ibinibigay sa kanya ni coach Macaraya.
Alam ba ninyong late bloomer itong si Alvin? Panganay siya ni ex-PBA. player Danny Capobres . Kung kailan nag-college ay saka lang naharap ni Alvin ang paglalaro ng basketball. Oks naman ang career niya sa kasalukuyan. Kung saang team ng PBA mapunta si Alvin, laking pasasalamat niya basta may kumuha sa kanya.
Ipinangako ni PBA Commissioner Willie Marcial na babalik sila sa Dubai. Hindi lang babalik ang PBA kundi posibleng gawin pa sa Dubai ang ALL-STAR GAME at championship games. Natuwa si kume Marcial sa dami ng Filipinong nanood ng laro ng Ginebra, NLEX at San Miguel Beer sa Coca Colq Arena. Siguradong babalik ang PBA sa naturang bansa dahil mismong ang Dubai sports officials ang interesadong pabalikin ang professional league.
Comments are closed.