JAMES ‘OUT’ SA LARO NG LAKERS VS WARRIORS

DALAWA sa pinakamainit na koponan sa NBA na pumasok sa  All-Star break ang umaasa na ang pahinga ay hindi makasisira sa kanilang momentum sa kanilang paghaharap sa Huwebes ng gabi kung saan bibisita ang Los Angeles Lakers sa Golden State Warriors sa San Francisco.

Gayunman ay lalaro ang Lakers na wala si LeBron James dahil salingering left ankle injury.

Sisimulan ng California rivals ang second half na nakakapit sa  9th at 10th positions sa NBA playoff race — mga puwesto na magbibigay ng entry sa play-in event.

Pinatatag ng Lakers ang kanilang katayuan sa pagwawagi sa kanilang huling tatlong laro kasunod ng pagkatalo sa Nuggets. Nanalo rin sila ng tatlong sunod bago ang laro sa Denver.

Ang Los Angeles ay huling nagwagi kontra Utah, 138-122, noong Feb. 14, na wala si James. Ang 39-year-old superstar ay nagbalik para sa All-Star Game noong Linggo ngunit naglaro sa loob lamang ng 14 minuto sanhi ng  ankle ailment.

Inanunsiyo ng Lakers noong Miyerkoles na hindi lalaro si James sa Golden State game. Hindi pa rin matiyak kung sasalang na siya sa home game ng Los Angeles kontra  San Antonio Spurs sa Biyernes at sa  road game laban sa Phoenix Suns sa Linggo.

“The most important thing for me is definitely my health, where I’m at right now, where our team is leaning,” sabi ni James sa break. “We’re trending in the right direction. Obviously, with our Laker team, it’s been about health all year. Trying to do what’s best for me for the betterment of the team.”

Mistulang malusog si James nang maitakas ng Lakers ang 145-144 double-overtime road win kontra Warriors noong Jan. 27.  Nagtala siya ng 12 assists na may 36 points at career-high 20 rebounds, sa 48 minutong paglalaro.

Bumawi ang Warriors mula sa pagkatalo, nagwagi sa walo sa 10 bago ang break. Ang tangi nilang talo sa run ay ang isa pang  overtime affair sa Atlanta at ang home defeat sa kamay ng Los Angeles Clippers matapos masayang ang  double-digit, fourth-quarter lead.

Namalas ng All-Star Weekend viewers ang mainit na 3-point-shooting  ni Golden State star Stephen Curry sa kanyang showdown kay WNBA standout Sabrina Ionescu. Subalit hindi na ito bago sa Warriors fans, na napanood siyang kumana ng pito o higit pang treys sa pito sa kanilang huling 11 bago nagtungo sa  Indianapolis.

Nagpakawala siya ng siyam na 3-pointers na bumuo sa karamihan sa kanyang game-high 46 points sa pagkatalo sa Lakers noong nakaraang buwan.

Nakakuha si Curry ng suporta nang magwagi ang Lakers sa kanilang  final pre-break game sa Utah noong Feb. 15. Galing sa bench sa unang pagkakataon magmula noong f 2012, tumabo si Klay Thompson ng 35 points.

Matapos ang laro ay inamin ni Curry na hindi na siya nasorpresa sa performance ng kanyang longtime teammate.

“I think the natural evolution of all of our careers is trying to figure out how to continue to win, but it might look a little different,” aniya. “The way that he responded is the Klay Thompson that I know — the true competitor, the true dawg. He got (angry) and said, ‘Watch this.’ I think a lot of it is just knowing who he is.”