JAMES REID AT BRET JACKSON MAGKASOSYO SA MUSIC LABEL COMPANY

KUNG si Nadine Lustre ay may sarili ng Nail and Spa Shop sa Walter Mart sa Munoz, Quezon City, itoentra eksenanamang kanyang bf na si James Reid kasama ng longtime best friend na si Bret Jackson ay magkasosyo sa isang music label company na pina­ngalanan nilang Careless Music Manila na nagpo-produce ng lahat ng album ng una.

Yes, itong bagong CD album ni James ay sa ilalim na ng kanilang music label ni Bret at kapag pumatok ito ay mapupunta sa kanila ang malaking kita. Eh, mabenta sa fans si James kaya’t siguradong tatangkilikin ito.

Saka worldwide ang fans ng gwapong singer-actor kaya bawing-bawi sila ng kaibigan niyang actor sa kanilang negosyo.

DADDY CARLITO “BONOY” GONZAGA

MARAMING SUPPORTERS SA TAYTAY, RIZAL

BONOY-2ANG kapakanan ng kanyang constituents sa Taytay, Rizal ang main concern ni Vice Mayor Carlito “Bonoy” Gonzaga  na mister ng famous show-biz Mom na si Mommy Pinty Gonzaga at daddy ng parehong sikat na Kapamilya stars na sina Toni at Alex.

Nakatutok at nagki-create ng awareness si VM Carlito sa dapat gawin ng kanyang mga kababayan kapag dumating ang baha, sunog, at lindol. Sa katuna­yan ay isinama pa nito ang daughter na si Alex para sa isinagawa nilang earthquake drill kung saan ay ma­rami ang nag-participate. Sa kanyang tanggapan naman ay hindi pa siya(Bonoy) nanalo ay madalas na nakikita ang bumisita sa kanyang mga kababayan para humingi ng konting tulong at malaman na rin kung ano ang mga proyektong binabalak ni VM Carlito para sa kanila sakaling palarin na mahalal ito na Alkalde ng kanilang lugar.        Pinagkakatiwalaan si Daddy Carlito sa Taytay, Rizal dahil naipakita nito ang kanyang pagmamahal sa lahat, sa madalas na feeding program at medical mission na libre check-up at gamot. Ka­makailan lang ay ginanap sa Sta. Ana Covered Court ang “Libreng Gamutan” para sa selebrasyon ng Interna-tional Women’s Month.

Ipinakita rin ng naturang bise alkalde ang kanyang pagmamahal sa veterans kung saan dumalo siya sa 74th Anniversary of Taytay Liberation Day from Japanese at salo-salo sila sa pananghalian. Samantala, malaking tulong sa kampanya ni Daddy Carlito ang patok na awitin ng kanyang anak na si Alex na “Chambe” na 20M na ang views sa YouTube kung saan madalas siyang hatakin ni Alex para sumabay sa sayawan at palakpakan at hiyawan talaga ang crowd sa pagsayaw ng kanilang Vice Mayor.

DABARKADS OF THE DAY MAY CLOSE-UP EXPOSURE

NA SA EB, PWEDE PANG MANALO NG P10K

MADALAS ay nagugulat na lang ang studio audience na may magandang ngiti na natututukan ng camera, na lucky day pala nila ang pagpunta sa APT Studio para mapanood ng live ang forever favorite nilang longest noontime show na Eat Bulaga.

Talagang suwerte nila dahil bukod sa may close exposure na sila sa programa ay puwede pa silang manalo ng instant P10K cash. At araw-araw ay dalawa ang tatanggap ng P10,000. Kaya be ready dahil baka ikaw na ang susunod na mapipiling Dabarkads of the Day!

Comments are closed.