NOW it can be told na tanggap na si James Reid kahit hindi kasama sa pelikula ang kanyang reel and real life loveteam na si Nadine Lustre.
Naging certified box office hit ang “Miss Granny” ni Sarah Geronimo at hindi nga niya ka-loveteam si James. Kaya ganu’n na lang ang labis-labis na pasasalamat ni James na kahit paano ay nawala ang kaba sa kanyang dibdib nang gawin ang naturang pelikula.
Say ng young actor, first time kasi na hindi si Nadine ang kanyang makakasama sa movie at hindi niya alam kung keri ito ng kanilang mga taga-hanga. Pero mga detractor ni James ay nagsasabing si Sarah naman daw ang nagdala ng pelikula kung kaya hindi masasabing solo credit ito kay James, to the fact na andoon pa rin si Xian Lim na may sarili rin hukbo ng mga tagahanga.
But wait, there’s more ngayon na kahit paano nakeri ni James na kumita ng movie niya minus Nadine ay paparating na rin ang masasabi naman launching movie ng young actor, ang remake ng “Pedro Penduko”. Tatakbo ang istorya kay James bilang isang Pinoy superhero at hindi sa love interest niya. At kung makalusot sa takilya ang movie na ito ni James, masasabi na nga with right project, kering-keri ni James na magsolo na sa movie without permanent loveteam.
SANYA LOPEZ: SAKA NA ANG LOVELIFE, CAREER MUNA
KAHIT masasabing baguhan sa industriya ay may narating na rin naman ang sexy young Kapuso actress na si Sanya Lopez. Nagiging bida na siya sa teleserye at ngayon nga ay may bago siyang movie na ginawa kung saan ay masasabing biggest break niya. At sa naturang pelikula ay magkakaroon ng intimate love scene at harutan sina Sanya at ang leading man niya na si Derrick Monasterio.
Para kay Sanya, talagang rehearse to the max daw sila ni Derrick bago kunan ang naturang love scene, since first time ito ni Sanya na gawin at never pa raw siyang nagkaroon ng boypren, kung kaya hirap daw siyang kumuha ng emosyon para sa naturang eksena. Hindi lang sa movie na-first time itong si Sanya, maging sa bago niyang teleserye na “Abel At Cain” nina Dennis Trillo at Dingdong Dantes ay magiging isang ina na si Sanya.
Mayroon siyang anak at talagang nagtanong-tanong siya at nag-workshop pa para maging isang tunay na ina ang kalalabasan niya sa naturang heavy drama and action teleserye na ito ng GMA7.
Pagdating naman sa kanyang lovelife ay marami na ang nagtatanong kung kailan masisira ang NBSB niya, No Boyfriend Since Birth”. Ani ni Sanya, sa ngayon daw ay mas naka-focus siya sa kanyang showbiz career. Bisibisihan daw ang byuti niya kung kaya no time for love na muna ang kanyang peg sa ngayon. Pero hindi naman din inaalis ni Sanya ang pagkakataon na anytime ay magkakaroon na rin siya ng karelasyon.
Comments are closed.