JAMES YAP BALIK-MAGNOLIA?

on the spot- pilipino mirror

GAANO kaya katotoo ang balita na nakatakdang i-trade itong si James Yap? Posibleng ibalik ito sa kanyang original mother team na Magnolia Hotshots. Kapag nangyari ito ay mabubuo ulit ang  samahan nilang tatlo nina Biboy Simon at Marc Pingris. Marami na rin ang nakaka-miss sa tatlo na magkakasamang naglalaro sa team. Tsika nga namin, nais ni Yap na kung magreretiro siya after two years ay sa Hotshots niya isasabit ang kanyang jersey no. 18. Sa totoo lang naman, napolitika lang naman si James kaya ito na-trade sa Rain or Shine noon.



Isa kami sa matutuwa kung si Ryan Arana ay mababalik sa Rain or Shine. Kung si James ay nais magretiro sa dating team, ganoon din naman si Arana na kasalukuyang nasa NorthPort Batang Pier at naka-leave dahil buntis ang kanyang asawa na si Erika para sa kanilang ikalawang baby. Pero bago magsimula ang PBA 2020 ay posibleng nakabalik na ito sa Elasto Painters. Nang ma-trade si Ryan ay napunta siya sa San Miguel Beer na isa sa paborito niyang team na nais niya noong paglaruan. After Beermen ay nalipat siya sa NorthPort. Congrats, Ryan and welcome back to ROS.



Sa pananalita ni SMC sports director Alfrancis Chua ay hangang- hanga siya kay Stanley Pringle na player ng Ginebra. Maraming moves umano si Pringle kaya marami ang nahihirapang bantayan ito. Parang nakasungkit na ginto ang Gin Kings sa pagkuha kay Stanley sa kampo ng NorthPort, lalo na nang ilabas ng Fil-Tongan ang kanyang galing nang maglaro ito sa  Gilas team at isa sa mga susi sa pagiging  kampeon ng koponan sa katatapos na SEA Games. Inamin ni coach Alfrancis na isang malaking factor sa kanila ang pagdating ni Pringles sa team.

Hinggil sa paghaharap nila ng Meralco Bolts, matched na matched daw ang laban. Kaya siguradong magugustuhan at kagigiliwan ito ng PBA fans. Ang best-of- seven PBA Governor’s Cup ay sisimulan bukas sa Araneta Coliseum.



Sino kaya itong coach na ito na pinag-aaralang tanggalin dahil sa hindi  magandang nangyari sa kanyang team? Kung tutuusin, hindi kasalanan ng coach kung bakit hindi naging maganda ang laro ng koponan. Lahat naman ay ginawa niya para makapasok sa finals. Ang naging problema talaga ay ang hindi pagkakasundo-sundo ng mga player nito. Kaya ang inaasam na maka-grand slam ay napurnada.Pero papalitan nga ba siya this coming season?

Comments are closed.