MATAGAL nang balita na babalik sa kanyang dating team si James Yap. Nais ni James na kapag nagretiro ay sa dati niyang team isasabit ang kanyang jersey no. 18.
Sa kasalukuyan ay nasa Italy ito kasama ang kanyang pamilya kung saan doon siya nag-Christmas at nag-New Year. Posibleng matagalan pa ang pagbalik niya ng Pinas para sulitin ang bakasyon kasama ang kanyang dalawang anak.
Iti-trade ng Rain or Shine si Yap sa Magnolia kung saan damay dito ang Blackwater Elite. Magpapalitan muna ang Hotshots at Elite. Ibibigay ng Blackwater si Mac Belo kapalit ni Chris Bachero, habang mapupunta si James sa Magnolia kapalit ni Belo.
Oks naman ang palitan. Kung matutuloy ang trade na ito ay siguradong magiging happy si King James.
Ang 2-time MVP ay first round pick 2nd overall noong 2004 draft ng Purefoods Tender Juicy Hotdog. Naglaro siya mula 2004 hanggang 2016. Kasama siya sa grandslam ng team sa ilalim ni coach Tim Cone.
Taong 2016 ay na-trade siya sa Rain or Shine. Ngayong 46th season ng PBA ay inaasahan ang pagbabalik ni Yap sa kanyang dating mother team.
Pauwi ng bansa si Kai Sotto upang maglaro sa Gilas Pilipinas sa third window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers na gagawin Clark, Angeles Pampanga.
Ayon sa East West Private (EWP), nangangasiwa sa career ni Sotto, kumuha ng clearance ang 18-anyos na si Sotto sa liga upang maglaro sa national team na kasabay ng laro ng developmental league sa bubble sa Orlando.
Hinihintay na lamang ang ‘go signal’ng Samahan ng Basketball ng Pilipinas. Kapag dumating sa Pinas si Kai ay agad itong sasabak sa practice ng Gilas sa Inspire Sports Academy sa Calamba Laguna para makapag-adjust agad ito sa mga kasama. Nauna na ang mga PBA players sa bubble training sa pangunguna nina Kiefer Ravena at CJ Perez at cadets sa pangunguna naman ni Justine Baltazar. Malamang ay dumating na rin doon sina Troy Rosario at RR Pogoy.
Sasagupain ng national team ang Korea sa Feb.18 at 22, habang sa February 20 naman ay ang Indonesia. Pagkatapos ng laro sa FIBA qualifiers ay agad lilisan ng bansa si Sotto kung saan sasailalim pa ito sa 14-day quarantine.Inaasahang makapaglalaro si Sotto sa bubble sa Orlando sa March 5.
Comments are closed.