GAANO kaya katotoo na posibleng hangang sa 2021 na lang maglalaro si James Yap ng Rain or Shine Elasto Painters? Marahil ay ramdam na rin ni Yap na hindi na siya bumabata at nahihirapan na rin siyang makipagsabayan sa mga batang umuusbong ngayon.
Halata na rin naman na madalas ay out of shooting na siya. Hindi na ito tulad noon na kapag bumato ng bola ay siguradong pasok. Lalo na pagdating sa crucial game ay siya ang Inaasahan ng kanyang team. Ilang taon na rin naman si James na naglalaro sa PBA. Marami na rin siyang achievements na nakuha. Two-time MVP at maraming beses na rin siyang nakasama sa championship. Kung nagbabalak ngang magretiro si Yap pagkatapos ng 46th season ng PBA, hinding-hindi siya makakalimutan ng mga PBA follower. Sana sa 2021 ay mas maganda ang maipakitang laro ni James para mabigyang pansin siya ni coach Caloy Garcia.
o0o
Napaganda pa pala ang pagpupumilit ng pamilya ni L.A. Tenorio sa kanya na sumama sa PBA bubble. Isang magandang resulta ang nang-yari sa kanya. Nag-champion ang Barangay Ginebra, siya pa ang napiling Finals MVP gayong ang hiling lang ni Tinyente ay mag-champion ang Gin Kings. Dinagdagan pa ito, may bonus pa siyang nakuha. Ayaw sanang iwan ni Tenorio ang asawang isang linggo pa lang nakakapanganak, at sa pagkakataong iyon ay kagagaling lang niya sa operation. Dahil may blessing naman ang kanyang asawa’t mga anak na sumama sa PBA bubble ay naging maluwag sa dibdib na iwan ang kanyang baby girl at iba pang mga anak. Congrats!
o0o
How true naman na bagama’t kasama si Thirdy Ravena sa All-Star Games ng Japan B. League lkung saan siya ang representative ng kanyang team na San En NeoPhoenix ay reserved lang ba ang player? Gaganapin ang All-Star Games sa January 15-16, 2021 sa Adastria Mito Arena sa Mito sa Ibaraki Prefecture. Sana naman ay hindi maging reserved lang si Ravena.
Comments are closed.