JAMES YAP MAY IBUBUGA PA

on the spot- pilipino mirror

MALAKI ang tiwala ni coach Chris Gavina kay James Yap.

Sa laro nila kontra Magnolia Hotshots ay nanalo ang Rain or Shine Elasto Painters. Nagpakitang- gilas si Yap na galing pa sa injury.

Sa ipinakita ni James  ay kayang-kaya  pa niyang makipagsabayan  Kahit 39-anyos na si King James ay puwede pa siya kahit isang taon pa siyang maglaro sa PBA.

Bagaman hindi na tulad ng dati ang bilis ng galaw niya sa hard court ay kaya pa niyang dumepensa sa kalaban. Ang mga alley-oop  na gawa niya ay wala pa ring makapigil.  Saka wala nang dapat pang patunayan si James, sa 18 years niyang paglalaro sa PBA ay marami na siyang na- achieve.



Gaano kaya katotoo na pumayag na si Terrence Romeo na maglaro sa Japan B. League? Sa mga hindi nakakaalam, si Romeo ang kauna-unahang Pinoy na inalok ng B. League para maging import sa naturang liga at hindi si Thirdy Ravena.

Katunayan, mas malaki pa ang offer sa dating FEU Tamaraw.  Hanggang ngayon ay hindi pa sumusuko ang Japan B.League na makuha  ang serbisyo ni Terrence.

Marahil kaya nagkainteres na rin ang player na tanggapin ang offer ng B.League ay upang maranasan ang paglalaro sa international tournament. Saka marami na ring Pinoy players na nagsisipaglaro roon.

Ngunit hindi pa ngayon ‘yan, darating din ang tamang panahon para kay Romeo. Maaari umanong pagbigyan niya ng isang season ang team na may interes sa kanya. Pero sa kasalukuyan ay naka-focus si Terrence sa PBA 46th season Philippine Cup. Gusto niyang tumulong nang husto sa kanyang mother team na SMB.

Tumatanaw ng malaking utang na loob si Romeo kayMr. Ramon S. Ang na nagbigay sa kanya ng chance na makapaglaro sa SMB. At dahil dito ay malaki ang ipinagbago ng pag-uugali ni Terrence. Dati ay mahirap siyang pakisamahan ng kanyang team-mates at may attitude problem pa umano. Malaki ang ipinagbago niya mula nang makausap siya ni RSA na pinangaralan siya tulad ni Arwind Santos.



Marami ang nagtataka kung bakit hindi napapasama ang pangalan ni Myla Pablo  sa international tournaments o maging parte ng national team.

Sa totoo lang, kung husay rin lang ang pag-uusapan ay walang dudang magaling si Pablo. Sa katatapos na PVL ay dalawa sila ni Alyssa Valdez na nahirang bilang  ‘best outside spiker’. Ano kaya ang problema kay Myla?

124 thoughts on “JAMES YAP MAY IBUBUGA PA”

  1. 596234 287627Every e-mail you send really should have your signature with the link to your web web site or weblog. That normally brings in some visitors. 408044

  2. 608105 143782This douche bag loves his illegal bretheren because hes a itiaen of the world and we need to be ashamed of ourselves I got news for you Asswipe get your asswiping ass back towards the craphole where you came from with all of your illegal beaners 530148

Comments are closed.